Zamboang Peninsula niyanig ng 3.8 magnitude na lindol

Phivolcs

Niyanig ng 3.8 magnitude na lindol ang Zamboanga Peninsula bago maghatinggabi ng Sabado, ganap na 11:54 ng gabi.

Naitala ang lokasyon ng  lindol siyam na kilometro sa hilagang-kanluran ng bayan ng Hadji Mohammad Ajul sa Basilan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Walang naiulat na nasaktan o pinsala sa pagyanig na may lalim na 25 kilometro.

Naitala ang Intensity II sa Zamboanga City.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa tinatawag ng Pacific Ring of Fire, kung saan ang mga continental plates ay patuloy na nagbabanggaan na siyang lumilikha ng madalas na pagyanig at pag-aalburuto ng bulkan.

Read more...