Umatras na bilang candidate sa Miss Universe Philippines si Vincy Vacalares matapos na magpositibo sa Covid-19.
“With a heavy heart, allow me to break the news to all of you that I tested positive for Covid-19 last October 14. This means that I will not be able to continue with my journey to the Miss Universe Philippines crown this year,” ani Vincy sa kanyang Instagram post ngayong Sabado.
Ikalawa na ang Cagayan de Oro beauty sa mga candidate na hindi na sasali sa Miss Universe Philippines matapos dapuan ng nakahahawang coronavirus disease.
Noong Huwebes, si Maria Isabela Galeria, na siyang Sorsogon representative, ang nag-withdraw sa prestihiyosong beauty pageant matapos magpositibo rin sa Covid-19.
Kasalukuyang naka-confine sa isang hospital sa Maynila si Vacalares,
“I am currently confined in a hospital here in Manila and rest assured, I am in good hands,” wika niya.
Sinabi niyang istrikto naman niyang sinunod ang mga health and safety protocols para maiwasan ang pandemiya, “but still the virus hit me.”
“To those I had in close contact with, please inform the city health officers so they can also check on your state. I pray that you are safe from the virus,” dagdag pa ng 22-anyos na dalaga.
Pagtatapos ni Vacalares: “Please don’t forget to include me in your prayers.”
Pasok sa Top 15 si Vacalares sa Binibining Pilipinas 2019 pageant.
Gaganapin ang finals night ng Miss Universe Philippines 2020 sa Oktubre 25. Mapaanood ito sa GMA.