Panukalang P4.5T 2021 budget lusot na sa Kamara

Photo: House of Representatives

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang P4.506 trillion 2021 national budget.

Sa botong 267 – Yes, 6 – No, 0 – Abstain ay naaprubahan ang House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Bill (GAB) nitong Biyernes.

Mas mataas ito ng 9.9 porsyento kumpara sa P4.1 trillion budget ngayong 2020.

Pinakamalaking bahagi ng 2021 budget ay mapupunta sa personnel services na nasa 29.2 porsyento kung saan dito kukunin ang alokasyon para sa dagdag na hiring ng mga healthcare workers, second tranche ng Salary Standardization Law, at dagdag na pensyon para sa mga retired uniformed at military personnel.

Nakapaloob din sa pambansang pondo ang mga stimulus para sa muling pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19 at sa bakuna laban sa impeksyon.

Pinakamataas na pondo pa rin ang sektor ng edukasyon kasama ang Department of Education, Commission on Higher Education, state universities and colleges at Technical Education and Skills Development Authority.

Sinundan naman ito ng Department of Public Works and Highways, Department of the Interior and Local Government, Department of National Defense, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Transportation, Department of Agriculture, judiciary at Department of Labor and Employment.

 

Read more...