Ang episode title ng “Ask Angelica” para sa week 3 ay “United Colors of Pagmamahalan” — love knows no boundaries kaya #UnitedColorsOfPagmamahalan.
Tungkol sa pagkakaroon ng asawa o partner na afam o foreigner ang topic nila at dahil may boyfriend na foreigner si Glaiza kaya siya ang napiling guest bukod pa sa super close pala ang Kapuso artist kay Angelica.
Sino ang dapat masunod kung saang bansa titira ang isang couple, ang foreigner husband o ang Filipina wife? Natanong si Glaiza dahil taga-Ireland ang boyfriend niya.
“Nu’ng sinabi na sa akin ‘yan ni David (Rainey), sa ngayon ha, hindi ko alam kung magbabago parang hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan ‘yung bahay ko dito.
“Pero ang maganda nito, ang sabi kasi ni David, mas gusto niya rito. Kung sakali lang mapag-uusapan naman ‘yung future, eh, mas gusto niya dito,” sagot ni Glaiza.
At dito natanong si Angelica na kung sakaling may makita siyang lalaking sa tingin niya ay si Mr. Right na, iiwanan ba niya ang lahat Pagkalipas ng 5 seconds ang sagot ni Angge, “Oo!”
“Ohhh,” reaksyon ni Kean.
Tumawa naman nang todo si Via, “Oh My God! All caps pa ‘yung OO. Stable ang face ni Ms. Angge, confident! Strong woman, ganu’n.”
“Hanep iba na ‘yan, ah. First time kong nakita sa ‘yo ‘yan Amiga (tawagan nila),” masayang sabi ni Glaiza.
Hirit uli ni Kean, “Kahit ano mars, ‘yung career mo, e, nandito?”
“Yes! Wala akong…I don’t care. Kung anuman ‘yung status ng career ko kasi nagtrabaho na ako for 28 years sa ABS-CBN. So, feeling ko pag dumating siya (future husband or boyfriend) hindi naman na siguro ako nagdadamot na ano, di ba? Maiintindihan naman ako ng kumpanya.
“I’ve been longing na magkaroon ako ng sarili kong pamilya so pag nangyari give-up lahat automatically, drop lahat,” rebelasyon ng aktres.
Sabi naman ni Glaiza, “Ganu’n ka talagang klaseng tao, eh, kapag nagmahal ka talaga.”
Dagdag ni Angge, “At saka ang pinag-uusapan natin dito, ito na, eh dito ka na, pakakasalan mo na siya, ano (asawa) mo na siya. Ako naman eversince na kapag nagkapamilya ako, pack-up! Sorry!”
Say ni Glaiza, “Bisitahin mo na lang kami rito o kami ang bibisita sa ‘yo.”
“Ganu’n na nga,” mabilis na sagot ni Angelica.
Say naman ni Kean, “Online na lang tayo tutal may #AskAngge naman tayo.”
“Oo nga, sa susunod nating #AskAngge may bitbit na akong anak dito, nagpapasuso na ako, wow!” tumawang sabi pa ng aktres-host.
Kaya kung sinuman ang lucky guy na makakatuluyan ni Angelica ay napakasuwerte dahil tatalikuran ng aktres ang lahat-lahat para sa kanya.