Pia pinagmumura ng kapatid: Mag-sorry ka! Ang tapang tapang mo!

GALIT na galit na binanatan ng kanyang sariling kapatid si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa pamamagitan ng social media.

Talagang minura si Pia ng sister niyang si Sarah Wurtzbach-Manze at idinamay pa ang ina nilang si Cheryl Alonzo Tyndall.

Walang binanggit si Sarah kung ano ang pinag-ugatan ng kanyang galit kay Pia pero ramdam na ramdam sa sunud-sunod na post niya sa social media ang malalim niyang hugot.

“Dami mong kuda pero sorry wala. Tapos mangdadamay ng ibang tao na wala naman sa usapan. Magsama kayo ni mama.

“Nag-iisa mong kapatid ayaw mong suportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan. Kung alam lang ng ibang tao kung gaano kabaho ugali niyo ni mama.

“‘Di porket nananahimik ako, ako ‘yung masama. Ako pa kailangan lagi magpakumbaba eh ako na nga ‘yung naaabuso. T*ng i*a niyo,” simulang pasabog ni Sarah.

Patuloy pa niya, “Mag-a-apologise na you hurt my feelings due to the statements you made when you were NOT SOBER, hindi mo magawa? Aangkas ka sa galit ko? Where’s the understanding on your part? So I have to shut down my sadness and anger? Then you ignore me for days? What kind of treatment is that?

“I’m broke kasi I have a normal job. With 2 kids. Tapos kapag bibigyan mo ako ng pera, hihirit ka ng, ‘Grabe, noon sweldo ko [na ng] isang buwan ‘to no… tapos ngayon, barya na lang.’

“B*tch, andun pa rin ako. Nasa isang buwang sweldo pa rin ako kaya ako humingi ng tulong. Ang insensitive mo sa mga ganyan kasi ‘you made it’ na.

“Ang lagi kong hinihingi sa tao ay TIME ANG COMPANY. BONDING. KUNG MUKHANG PERA AKO EH ‘DI SANA NOON PA ANG YAMAN KO NA,” ang maanghang na banat ni Sarah kay Pia.

Pati ang mga eksena sa relasyon ng beauty queen-actress kay Jeremy Jauncey ay ibinuking din ni Sarah, “Iiyak iyak ka sa akin dahil nag-away kayo ni Jeremy tapos dadamayan kita nang isang oras kasi inaaway mo ‘yung tao.

“Kahit alam kong ang babaw ng dahilan mo, sige lang, go, I’m here for you, sis. I’ll give you advice pa. Pero kapag ako wala. Ano ‘yun? One way system?” pasabog pa niya.

Diretsahan pang sabi ni Sarah sa kapatid, “Mag-sorry ka. Ang tapang tapang mo tapos ngayon, o ayan, ‘di ba, sabi mo, sige ilabas ko baho mo, pero ‘wag na ‘wag akong lalapit sa ‘yo ulit? O eh ‘di sige go. Anong kawala ko dun? Wala naman. I still have my family that I chose to build—Charlie, Logan, and Lara.

“The way you show support is not family behaviour. Saka ka lalapit ng sorry kasi I’m not calling bullshit on your threats. I told you I was serious when I threatened you. I’m your sister but I’ll be your worst enemy. No problem.

“Don’t confuse money and status for power. I’m silent because [I’m  protecting] you and our f*cking narcissistic mom. I’M NOT THE ONE IN THE WRONG AND YET I’M ALWAYS THE ONE BEING SILENCED,” matapang pang pahayag ni Sarah.

Huling hugot pa niya, “Tapos imbis na suportahan mo ako emotionally, bawal magsalita kasi masisira lang pinaghirapan niyo? Sasabihin mo pa ako ng, ‘Why do you want to get back at her so bad?’ F*ck you.”

Nakakaintriga talaga kung bakit biglang nagkaroon ng away ang magkapatid samantalang last month lang ay binigyan pa si Pia ng birthday surprise ni Sarah sa London kasama si Jeremy.

Bukas ang BANDERA sa paliwanag at depensa ni Pia sa lahat ng sinabi ng kanyang kapatid. Siguradong may dahilan din siya kung bakit biglang nagkaganito ang relasyon nila ng kapatid.

Read more...