Maja nagpakatotoo lang: Lahat ng mga regalo ng ex ko, binebenta ko | Bandera

Maja nagpakatotoo lang: Lahat ng mga regalo ng ex ko, binebenta ko

Ervin Santiago |October 12,2020
facebook
share this

Maja nagpakatotoo lang: Lahat ng mga regalo ng ex ko, binebenta ko

Ervin Santiago - October 12, 2020 - 09:27 AM

DIRETSAHANG inamin ni Maja Salvador sa harap ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez na binenta niya ang regalo nitong desktop computer.

Ito raw yung panahon na naghiwalay na sila ni Rambo, sey ni Maja sa recent episode ng “Star Lounge” ng Star Magic with Robi Domingo.

Ipinaliwanag muna ni Rambo kung bakit desktop computer ang naisip niyang iregalo noon kay Maja, “I think may table siya na iniisip niya kung ano ang ilalagay.

“Parang it was supposed to be either a study table or parang kung saan siya magbabasa, mag-aayos. So it was an empty table kaya ko naisip na ‘yun ‘yung ilagay du’n,” sabi ng negosyante.

“Tsaka bumili kasi ako ng laptop nu’n. So parang sabi ko, twinning kami,” chika pa ng binata na halatang in love na in love talaga ngayon kay Maja.

Siyempre, nag-explain din si Maja kung bakit niya binenta ang regalo ni Rambo noong mag-break sila ilang taon na ang nakararaan.

“Alam mo, lahat ng mga regalo ng ex ko, binebenta ko. Walang natitira sa akin kasi ayoko ng memories,” lahad ng aktres.

“Pero nagiging charity naman (pinagbentahan). ‘Yung iba du’n, ‘yun ‘yung pang-travel ko,” natawang biro pa ng dalaga.

Sa tanong naman kung ano ang katangian ni Rambo na talagang nagustuhan niya para bigyan niya uli ito ng second chance.

“Hindi naman because of material things. In fairness naman dito, ‘yung may gift na, may mahabang message pa. Nakikita niyo naman ‘yung mga caption niya sa mga Instagram posts niya, ‘di ba? Pero in real life, mas mahahaba pa ‘yun. Pa-MMK na.

“Kapag galit, five pages. Pinayuhan ko pa ‘yan. Sabi ko, ‘pag galit ka tapos mahaba ‘yung message mo, okay lang mahaba pero i-Tagalog mo. Kasi pag-English, tatamarin akong basahin,” natatawa pang hirit ni Maja.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending