Bea umaming nakikipag-date na uli; may tips sa hirap mag-move on

HINDING-HINDI na! Yan ang isinagot ni Bea Alonzo sa isang netizen na nagtanong kung totoo bang babalikan pa niya si Gerald Anderson.

Burado na ang nasabing sagot ng Kapamilya actress sa isa niyang Instagram follower pero may mga nakapag-screenshot nito kaya kumalat din sa social media.

Comment ng netizen sa isang IG post ng aktres, “Are u really back to Gerald (sad face emoji).” Na sinagot nga ng dalaga ng, “No! Never again! (Smiley emoji).”

Ilang beses nang nagsalita si Bea tungkol sa umano’y panggo-ghosting ni Gerald sa kanya ngunit nananatiling tahimik ang kanyang ex-boyfriend tungkol dito.

Nadamay pa nga sa controversial break-up ng ex-Kapamilya couple si Julia Barretto na siyang itinuturong third party sa hiwalayan na mariin namang itinanggi ng dalaga at pati ni Gerald.

Samantala, sa latest vlog ni Bea inamin niyang nakikipag-date na rin siya matapos tanungin ng isang netizen kung okay na uli ang lagay ng kanyang puso.

“Okey naman siya, nag-e-entertain siya. Nagde-date siya. Open siya maging masaya,” ani Bea na nali-link ngayon sa aktor na si Dominic Roque.

Maraming naniniwala na matagal nang may relasyon sina Bea at Dominique pero until now ay wala pa rin silang kinukumpirma o dinedenay tungkol dito.

Sa mga nagtatanong kung ano ang maipapayo niya sa mga nahihirapang mag-move sa pakikipaghiwalay sa kanilang mga dyowa, narito ang pahayag ni Bea.

“Just do. It won’t come instantly. It won’t be easy but you just have to take it one day at a time and just acknowledge your feelings.

“If you’re still not okay, if you have not forgiven the person who hurt you, it’s okay because that day will come. Just trust the process,” sey ni Bea kasabay ng pagsasabing kung may chance, mas okay pa rin ang magkaroon ng support system, lalo na ang family.

“Kasi sometimes, we get caught up in a situation where parang feeling mo it’s so painful, parang hindi mo kaya and so you go back to stage one.

“Personally, yun yung nangyari. Parang I didn’t trust myself that I could do it and na-realize ko na kung in-acknowledge ko yung feeling na vulnerable ako, that I need help from friends and family, baka mas nalagpasan ko siya earlier.

“Baka na-discount ko yung masasakit na yugto ng buhay ko. But of course, I had to learn the hard way. But kung maiiwasan naman, sana maiwasan,” paliwanag pa ng Kapamilya actress.

Bago ang pa-Q&A ni Bea sa kanyang YouTube channel, nagpa-house tour muna siya sa kanyang mala-5 star hotel na bahay na talaga namang hinangaan ng kanyang mga subscribers.

Read more...