Sandara Park 5 years pinagbawalang makipag-date; nag-sorry sa mga ex-BF

NAG-SORRY ang Korean singer-actress na si Sandara Park sa kanyang mga ex-dyowa.

Sa panayam ng “Love Intervention” sa KBS JOY ng Korea, ibinandera ni Sandara na limang taon siyang pinagbawalang makipag-date ng kanyang talent management.

Dahil dito, talagang dedma lahat ng kanyang mga nakarelasyon sa loob ng five years na nakakontrata siya sa YG Entertainment bilang member ng 2NE1 which was launched in 2009.

Sa nasabing interview diretsahang sinabi ng dalaga na talagang sinunod niya ang “dating ban” na iniutos sa kanya noong kasagsagan ng pagiging K-pop idol niya.

Napag-usapan kasi sa isang segment ng “Love Intervention” ang pagkakaroon ng lovelife sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“I’ve been in ‘untact’ (non face-to-face contact) relationships even before COVID-19.

“When I was a trainee, I was scolded for being in a relationship, and my manager took away my cellphone. Then after I debuted, there was a five-year dating ban,” pahayag ni Sandara.

Patuloy pa niya, “I really didn’t date because they told me not to. Only recently did I make up my mind to date actively. All I needed was a will to be more assertive.”

Kaya naman sinamantala na rin niya ang pagkakataon na humingi ng paumahin sa lahat ng naging boyfriend niya noong kasagsagan ng pagiging K-Pop idol niya.

“I would like to take this opportunity to apologize to my ex-boyfriends,” ani Dara.

Ilang beses din naming na-interview si Sandara noong nagsisimula pa lang ang showbiz career niya rito sa Pilipinas at bilang ka-loveteam ni Hero Angeles.

At kahit sikat na sikat na siya noon bilang Kapamilya star ay nagdesisyon pa rin siyang bumalik sa Korea noong 2007 para sumabak sa training ng YG Entertainment hanggang sa mapili na siya bilang member ng 2NE1 na formally ni-launch noong 2009.

Nagmarma rin sa Philippine showbiz ang naging relasyon nila noon ng kanyang ka-loveteam na si Joseph Bitangcol.

Read more...