Angel viral na naman; body shamers binalaan ng fans ni ‘Darna’

UMANI ng paghanga mula sa madlang pipol ang mga viral photo ng Kapamilya TV host-actress na si Angel Locsin.

Kalat na ngayon sa social media ang ilang litrato ni Angel na ipinost ng isang netizen sa kanyang Facebook account.

Kuha ito sa taping ng kanyang programa sa Kapamilya Channel na  “Iba Yan” na ginanap sa Our Lady of Grace Parish sa Caloocan City nitong nagdaang Lunes.

Ayon sa FB user na si Angelica Santos, hindi niya inaasahan na makikita niya si Angel sa simbahan kaya naman sinamantala na niya ang pagkakataon na makuhanan ito.

Ibinahagi niya sa FB ang ilang litrato na kuha niya pati ang maikling video na naglalaman ng ilang ganap sa taping ng “Iba Yan.”

“Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin super gandaaaa.

“Sabi nya samin ‘Hi po sorry sandali lang po ah,'” ang bahagi ng kanyang caption sa mga litrato ni Angel.

In fairness, sandamakmak na netizens ang nag-share at nag-comment sa mga bagong litrato ni Angel. At mas marami pa rin ang pumuri at nagtanggol kay Angel kesa sa mga nam-bash sa kanyang katawan.

Ayon sa kanyang mga tagasuporta,  wala pa ring kupas ang classic beauty ng binansagang real life Darna kahit pa nadagdagan ang kanyang timbang. Mas nangingibabaw pa rin ang magagandang katangian ng dalaga.

Ilang fans pa nga ng aktres ang nagbanta na talagang mang-aaway sila kapag may nambastos at nang-okray kay Darna.

“1 like,  mang-aaway ako ng boomers na hindi maganda ang comment sa picture ni Angel Locsin,” ang warning ng isang netizen.

Last June, kumalat din ang mga photos ni Angel habang nasa taping ng “Iba Yan”. Maraming nagulat sa biglang paglaki ng aktres.

May mga nam-bully kay Angel pero mismong mga fans niya ang dumepensa sa mga bastos na  bodyshamers.

Sa verified Facebook page ni Angel Locsin, muling ipinost ang bahagi ng pahayag ng aktres tungkol sa bodyshaming nang mag-guest sa “Tonight With Boy Abunda” noong January 29, 2019.

“May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya.
“Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. Eh, ikaw, okay ka ba?”

Read more...