Naseserbisyuhan na ng Pasig River Ferry Service ang kanilang buong ruta mula Pasig City hanggang sa Maynila.
Ito ang sinabi ni Irene Navera, ang central admin officer ng PRFS at aniya balik biyahe na ang kanilang ferry boats mula Pinagbuhatan sa Pasig City hanggang sa Escolta sa Maynila.
Sinabi pa nito na sa ngayon bukas ang walong terminals at ang anim na iba pa ay ang Guadalupe, Hulo, Valenzuela, sa Makati City; Sta. Ana, Lawton, Escolta, sa Maynila at San Joaquin at Pinagbuhatan na kapwa sa Pasig City.
Kahapon ay nagkaroon ng partial operation ang ferry service dahil sa makapal na water hyacinths.
Noong Lunes ay tumigil ang operasyon dahil kumapit sa propellers ng ferry boats ang halaman-tubig.
Libre pa rin sa pasahe ang health workers, mga kawani ng gobyerno at lahat ng authorized persons outside residence o APOR.