NAPAMURA si Lea Salonga bilang reaction sa modules na ginagamit ngayon ng ilang estudyante.
Modules na ang uso ngayong panahon ng online education kaya naman sobrang affected ang Broadway superstar sa kanyang nabasa sa Facebook.
Nag-post si Lea ng screenshots ng mga pagkakamali sa module. May mga errors kasi ang mga ito as reported by a website.
Like this one which said “L is for rabbit”. Another one ay isa naming drawing ng owl pero ang nakalagay ay ostrich.
“For the love of……. there aren’t enough curse words in my vocabulary for this s***!!! THAT IS AN OWL, YOU IDIOTS!!!” tili ni Lea.
“This might be never-ending. Excuse me, I need to gouge out my eyes. QUE HORROR!!!” came Lea’s reaction to another entry sa module.
When we opened Lea’s Facebook account ay wala na ang mga screenshots niya ng modules. Ano kaya’ng nangyari?
Binura ba niya ang kanyang mga comments na inilabas ng isang website?
Anyway, kilala si Lea sa pagiging prangka sa kanyang mga reactions kaya hindi na kami nagulat sa lumabas sa isang website.
* * *
Mapapanood na ang mga teleserye, pelikula, at live entertainment shows ng ABS-CBN sa bagong A2Z channel 11 analog TV simula ngayong linggo.
Live na magsisimula ang “It’s Showtime” ngayong Okt. 10 at ang “ASAP Natin ‘To” sa Linggo (Okt. 11) para maghatid ng masasayang kulitan at musical performances.
Magkakaroon naman ng teleserye marathon ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Sa Iyo ay Akin,” at “Walang Hanggang Paalam” ngayong weekend (Okt. 10 at 11) bago ang pagpapalabas ng bagong episodes gabi-gabi simula Lunes (Okt. 12).
Sa mga susunod na linggo, masusubaybayan na rin sa A2Z channel 11 ang paghahatid ng serbisyo sa “Paano Kita Mapapasalamatan” at “Iba ‘Yan.”
Malapit na ring mapanood sa channel ang live na kwentuhan sa “Magandang Buhay,” ang hulaan at kantahan sa mystery game show na “I Can See Your Voice,” at ang longest-running drama anthology sa Asya na “MMK.”
Bukod sa entertainment shows, nagsimula na rin magpalabas ng mga pelikula at educational programs.
Una nang ipinahayag ng ABS-CBN na ipapalabas na ang ilan sa mga programa nito sa bagong A2Z channel 11 bilang bahagi ng kasunduan nito sa Zoe Broadcasting Network Inc.
Mapapanood ang A2Z channel 11 analog TV sa Metro Manila at mga malalapit na probinsya. Available din ito sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.