BINUWELTAHAN ng Journey frontman na si Arnel Pineda ang mga bashers matapos maaresto ng mga pulis ang kanyang kapatid.
Supalpal sa international singer ang mga netizens na nagpo-post ng masasakit na comment tungkol sa kanilang pamilya dahil nga sa pagkaaresto sa utol niya na may kinalaman sa ilegal na droga.
Bumandera sa mga headline ang kapatid ni Arnel na si Rusmon Pineda matapos mahuli sa isang buy-bust operation sa Barangay Obrero, Quezon City kamakalawa.
Idinaan ni Arnel sa kanyang Instagram account ang kanyang reaksyon hinggil sa issue. Dito, ipinagdiinan niya na walang perfect na tao at lahat ay nakakagawa ng pagkakamali.
Nag-post siya ng kanyang black and white photo na may caption na, “To the bashers who chose to cowardly succumbed to prejudism & unkindness while hiding conveniently in the cloak of your keyboards & computer screens, there are more helpful & useful things to do.
“Like facing your precious mirror once in a while. who knows, you might find yourselves as imperfect as me, my family and everyone else,” ang malalim na mensahe ng singer.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nagparamdam ng pagmamahal at pagsuporta sa kanya at sa kanilang pamilya.
“To my real friends & supporters, who know that our friendship is eternally unbounded by time & space, you know who you are.
“Thank you for your prayers & love. You don’t even know how much all of you have hugely blessed us by sending kind & comforting words. May God be with you all always,” aniya pa.