Winwyn ayaw sa online ligawan: I’m happy being single, I’m OK alone

NGAYONG darating na Nobyembre, ga-graduate na ang Kapuso beauty queen-actress na si Winwyn Marquez bilang Navy reservist.

Aminado ang dalaga na sa ilang linggong military training na pinagdaanan niya ay napakaraming nagbago sa mga pananaw niya sa buhay.

Dahil sa matitinding challenges tulad ng physical at mental test, nadagdagan pa ang disiplina sa sarili ni Winwyn at naging mas pasensyosa sa lahat ng bagay dahil sa pinagdaanang pagsasanay.

“Kung ‘yung disiplina ko nasa 100%, ngayon nasa mga 200%. ‘Yung patience ko, lahat, the way I analyze things, the way I observe things, the way I treat people also, talagang with very much patience,” chika ng Kapuso actress.

Dugtong pa niya, “I’m also curious about everything that’s happening around, at the same time mas madali na rin akong mag-adapt sa environment ko.”

Nagpapasalamat din siya sa kapwa Kapuso na si Rocco Nacino na isa sa mga nagbigay inspirasyon sa kanya para sumabak sa military training.

“When he told me that I can serve my country, learn how to protect my family and other people in case of emergency ‘yung tamang way, hindi na ako nagdalawang isip, sabi ko I want to enlist,” pahayag ng dalaga.

“Being a beauty queen isn’t the only title I’m thinking of. Now I’m proud to say that this is another title for me — a reservist,” sabi pa ni 2017 Reina Hispanoamericana.

Kamakailan, natuto na rin si Winwyn na gumamit ng baril na bahagi pa rin ng Basic Citizen’s Military Training sa Philippine Navy.

Tungkol naman sa estado ng kanyang puso, single pa rin daw siya hanggang ngayon pero naniniwala siya na darating din ang lalaki para sa kanya sa tamang panahon.

“I’m happy being single, I’m OK alone. Meron naman diyan sa paligid-ligid (manliligaw), but it’s not a priority right now,” sey ng dalaga.

Hindi rin daw niya feel ang magpaligaw ngayong panahon ng pandemya, “It’s difficult, I don’t want to do zoom or online ligawan. No! Ha-hahaha!”

Samantala, mapapanood na uli si Winwyn sa third installment ng Kapuso mini-series na “I Can See You: High Rise Lovers” na magsisimula na sa Oct.12.

Makakasama niya rito sina Tom Rodriguez at Lovi Poe. May temang kabitan at ahasan ang “High Rise Lovers” kaya siguradong bebenta ito sa mga manonood.

Gaganap si Winwyn dito bilang si Ysabel Mendiola na isang passionate artist and singer. Makikilala niya ang karakter ni Tom sa panahong problemado ito sa kanyang asawa to be played by Lovi.

Makakasama rin dito sina Divine Tetay at Teresa Loyzaga sa direksyon ni Monti Parungao. Mapapanood na ang “I Can See You: High Rise Lovers” simula sa darating na Lunes sa GMA Telebabad.

Read more...