Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na dapat na bawasan ang sweldo ng mga guro dahil wala namang ginagawa habang may pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi totoo na walang ginagawa ang mga guro.
Katunayan, nagpapasalamat aniya ang Palasyo sa sakripisyo bg mga guro kung kaya naging matagpumpay ang pagbubukas ng blended learning noong October 5.
Sinabi naman ni Education Secretary Leonor Briones na bagaman ilang buwan na walang pasok sa eskwela, naging abala naman ang mga guro sa pagsasailalim sa training para sa blended learning.
Ang nga master teachers aniya ang gumawa ng mga modules habang ang mga school superintendent naman ay panay ang trahabo para sa learning continuity program.
Maaring hindi aniya pisikal na nagtuturo ang mga guro dahil may pandemya subalit naging abala pa rin para sa paghahanda ng klase noong Oct. 5.