Janine Berdin sa bagong itsura: Pag tinitingnan ko ngayon ang litrato at video ko, ang saya-saya ko na

MALIGAYANG-MALIGAYA ngayon ang “Tawag Ng Tanghalan” grand champion na si Janine Berdin sa bago niyang look.
Kahapon, naging hot topic sa social ang pagbabago sa mukha ng dalaga at mabilis nag-viral ang mga litrato kung saan makikita ang biglang pagtangos ng kanyang ilong.
May mga kumontra at nam-bash sa pagpaparetoke ni Janine pero di hamak na mas marami ang napa-wow sa kanyang “transformation” kabilang na ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz.
Kaya naman dedma na lang ang singer sa mga bashers at mas piniling pasalamatan na lang ang lahat ng mga nag-message sa kanya ng pagmamahal at pagsuporta.
“I’m very flattered kasi ang gaganda ng compliments. Thank you, guys. I really appreciate it.
“Siguro naging blooming po ako kasi hindi po ako natakot of change. I think that’s what everyone should keep in mind, na we shouldn’t be afraid of change na puwede tayong mag-change.
“Na if there’s something you don’t like about yourself and that you are not happy about it, then you can do something,” pahayag ni Janine sa chikahan nila sa online show ni Darla Sauler.
Patuloy pa ng dalaga, “Do something to make yourself happy. You only live once, hindi ba? Just do things that will make you happy.”
Aminado rin siya na mas happy na siya ngayon kapag tinititigan ang kanyang mga litrato at pinanonood ang mga ginawa niyang video.
“Kasi kapag hindi ka masaya sa sarili mo, magre-reflect. Kasi nakikita ko rin sa mga post ko rati mga videos ko parang nakikita ko rin kung gaano ako ka-self-conscious.
“Now when I look at my photos now, when I look at all the videos I take, parang ang saya ko. Parang nakikita ko na ang saya ko na, parang ang saya ko na sarili ko,” pagpapakatotoo pang pahayag ni Janine.
Ito naman ang masasabi ng dalaga sa mga taong gusto ring mag-try ng pagbabago, “Let’s not be afraid of change and let’s not condemn change.
“Kung may gustong mag-change, ipa-change mo sila. Bahala sila basta masaya sila. So, ‘yun lang. Oh my gosh, I can’t believe I’m saying this,” lahad pa ng TNT champion.

Read more...