SA rami ng shows na ginawa ni Billy Crawford bilang host ay napakalaki raw ng pagkakaiba nitong bago niyang programa sa TV5 na “The Masked Singer.”
Unang-una, pawang mga performers ang contestants na hindi niya kilala, kaya pati siya ay makikihula kung sinu-sino ang mga ito at iyon ang mas nagpapa-excite sa kanya.
Tsika ni Billy sa ginanap na virtual mediacon ng Philippine adaptation ng reality show ng South Korea, “I’m most excited to hear their voices and try to guess at the same time, pero nae-excite akong tanggalin ‘yung mascara?
“Alam mo ‘yun para malaman ko na kung sino? Pero kawawa sila kasi sila ‘yung talo kapag tinanggalan ng mascara,” ani Billy.
Ano naman ang pagbabago sa TV host sa bago niyang programa ngayon sa TV5.
“Well for me, you will find different sneakers every episode and different clothes and apart from that I’ll just be your host but I’m really, really excited,” sagot ni Billy.
Nagsimulang mag-taping ng pilot episode ang “The Masked Singer” nitong Martes at isiningit lang ang virtual mediacon para makita na rin ng press ang magandang studio ng reality show handog ng Viva Entertainment.
Sabi nga ni Billy, dahil may COVID-19 pandemic pa rin kaya wala silang studio live audience at talagang sumusunod sila sa health protocols.
Samantala, for the nth time ay muling ipinaliwanag ni Billy na kaya niya tinanggap ang programa na ipalalabas sa TV5 dahil nga sarado ang ABS-CBN at kailangan niya ng trabaho ngayong may pamilya na siya.
Kumusta naman ang pakiramdam ng first time dad sa panganay nila ni Coleen Garcia?
“It’s completely different kasi ngayon tinupad ko na ang pangarap ni Kuya Germs, ‘walang tulugan.’ So, dire-diretso na ako walang tulog.
“But apart from that, it’s a blessing. I go to work thinking that I’m working for my son. I’m gonna come back home,” pahayag nito.
Dagdag pa niya, “Pero alam mo ‘yun, it’s worth all the blood sweat and tears you put in your job, sobrang worth it at the end of the day pag nakita mong kumakain ang anak mo, umiiyak, healthy, and alam mo ‘yun ang sarap nu’ng pakiramdam, tanggal yung pagod.”
Anyway, magsisimula na ang “The Masked Singer” sa Okt. 24 na mapapanood sa TV5, Cignal at Sari-Sari Channel.