NGAYONG panahon ng pandemya, may isang napatunayan sa kanyang sarili ang Kapuso actor at “I Can See You” star na si Benjamin Alves.
Dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic at sa patuloy pa ring ipinatutupad na community quarantine, natuto siyang mas pahalagahan ang oras at mas ma-appreciate ang pagsasama-sama ng pamilya.
Sa panayam kay Benjamin para sa promo ng “I Can See You: The Promise” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad, inamin niyang iba ang meaning sa kanya ng success.
“Minsan kasi sa industriya natin parang nagre-rely ‘yung identity natin sa kung gaano kaganda ‘yung career mo, ano ‘yung nabili mo dahil sa show na ‘to, gaano kaganda ‘yung bahay mo, ‘yung kotse mo o bag mo. Doon minsan nalalagay ‘yung identity mo, e, o ‘yung security mo na successful ako.
“Because of the pandemic, back to basics na. Ano ba ‘yung importante sa ‘yo? Importante ‘yung relationship ko with my family,” pahayag ng aktor.
“Mas nabibigay mo ‘yung sarili mo sa mga tao na importante rather than ibinibigay mo ‘yung oras mo ‘pag nasa taping ka, sa pag-online shopping. Parang ‘yun kasi ‘yung kapalit ng pagod, e.
“Pero ngayon mas nahahanap mo ‘yung sarili mo na ano ba ‘yung importante sa ‘yo?
“Doon ko nalaman na importante pala sa akin ‘yung connection sa mga mahal ko sa buhay. ‘Yun ‘yung naging importante sa akin, ‘yung oras ko,” paliwanag pa ng Kapuso hunk.
Samantala, napapanood ngayon si Benjamin sa week-long series na “The Promise,” ang second installment sa bagong drama anthology na “I Can See You” kasama sina Paolo Contis, Andrea Torres, Yasmien Kurdi at Maey Bautista.
Bukod sa dami ng nag-abang sa pilot episode nito last Monday sa Telebabad after “Encantadia” talagang naging hot topic pa sa social ang “The Promise” na idinirek ni Zig Dulay.
* * *
Samantala, alam n’yo bang adik din si Benjamin Alves sa pagbabasa? Yan ang inamin niya sa online show na “Cool Hub.”
Kuwento ng binata 5 years old siya nang magsimula siyang mahilig sa pagbabasa ng libro.
“It started from reading comic books, collecting comic books. I still have them, wala lang dito sa Pilipinas.
“I’ve been an advocate and I’m passionate about reading books. Actually, it’s not the books itself but the stories that you can learn from it.
Creative writing, anything that has to do with story-telling, it’s something that I’m passionate about,” pahayag pa ni Benjamin.