Hirit ni Daniel nang yayaing mag-TikTok ni Gardo: Parang babaliktad ang sikmura ko!

AMINADO si Gardo Versoza na “priceless” at walang katumbas na materyal na bagay ang pagpayag nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na maki-TikTok sa kanya.

Hindi raw talaga niya inaasahan na papayag at kakasa ang King & Queen of Hearts sa kanyang Tiktok dance challenge.

In fairness, talagang trending at nag-viral ang ginawa nilang TikTok video gamit ang sikat na sikat na kanta ngayon ni Jason Derulo na “Savage Love”.

Kuha ito habang nasa shooting sila ng kanilang digital movie series na “The House Arrest Of Us” under Star Cinema.

“Actually, nahihiya pa ako sa kanila nu’ng una. Tapos nilapitan ko si DJ. Sabi ko ‘Deej, cupcake, may ilalambing sana ako sa iyo?’ So napaisip siya, akala niya siguro kung ano ‘yon.

“Sabi ko, ‘Baka naman pwede ko kayong makasama sa TikTok?’ ‘Naku Tito!’ Biglang dumistansiyang konti (si Daniel). Sabi niya, ‘Parang babaligtad yata ang sikmura ko.’ Sabi ko, ‘Kaya mo ‘yan.’ Sabi ko ‘simple lang hindi naman ‘yung complicated,'” chika ni Gardo nang mag-guest sa “Magandang Buhay.”

Aniya pa, “Tapos noong ipinakita ko, sabi niya, ‘Tito, teka lang buwelo lang ako.’ Tapos ‘yun. Ang ganda rin nu’ng ginawa nila kasi kakaiba.”

At dahil dito, naparaming KathNiel fans ang nagre-request sa kanya na gawan na niya ng part 2 ang nag-viral na TikTok video at kasama uli ang KathNiel.

“Ang problema ko ngayon ‘yung mga fan at supporter nila sobrang dami, tadtad, naghahanap ng kasunod. Hindi ko masabi naku pahirapan ‘yung lambing na ‘yan. Sabi ko nga priceless ‘yung Tiktok na ‘yon nina DJ,” pag-amin ng aktor.

Reaksyon naman ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada nang mapanood ang viral dance video, “Na-happy ako kasi si Gardo, napakatagal ko ng kaibigan, 700 years na! So, nakakatuwa lang. Sabi ko kay DJ, ‘Anak, mag-enjoy ka sa shoot mo, lahat ‘yan puro kaibigan ko noong araw pa.

“Sina Tito Dennis (Padilla), sina Tita Ruffa (Gutierrez) nila, ninang niya si Ruffa di ba? Si Tito Gardo. So nag-enjoy siya. ‘Di niya gagawin yon kung hindi siya happy sa company,” kuwento pa ni Queen Mother.

Read more...