Multi-level carpark sa Camp Crame, binuksan na

Pormal nang binuksan ng Philippine National Police (PNP) ang multi-level carpark sa Camp Crame, araw ng Lunes.

Ito ay kasabay ng pagtugon ni PNP Chief General Camilo Cascolan para ma-decongest ang PNP camps at installations sa pamamagitan ng facilities development.

Inaasahang makatutulong ang carpark building para masolusyunan ang problema sa parking ng mga pulis at sibilyan na may transkasyon sa PNP National Headquarters.

Aabot sa 462 sasakyan ang kayang makapag-park sa gusali.

Ayon kay Police Col. Ysmael Yu, tagapagsalita ng PNP, kinuha ang P153.71 milyong pondo para sa naturang proyekto sa PNP Trust Receipts Fund.

Magkakaroon aniya ng minimal fee para masuportahan ang maintenance sa pagpapatuloy ng operasyon ng carpark.

Ani Yu, may isa pang 5-storey multi-purpose building at carpark project na pinondohan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang itatayo sa northwest corner ng PNP camp.

Magkakaroon aniya ito ng karagdagang 176 parking slots, 12 function halls, at concessionaire stalls.

Read more...