WALA pang formal announcement ang ABS-CBN pero kalat na ang chika na mapapanood na uli sa free TV ang “It’s Showtime” simula sa Oct. 10.
Ito raw ang sinasabing matinding pasabog ng Kapamilya noontime show para sa selebrasyon ng kanilang 11th anniversary.
Sa nakaraang episode kasi ng “Showtime” nabanggit ng isa sa mga host na si Vice Ganda na abang-abang lang ang madlang pipol dahil may sorpresa silang inihahanda na mangyayari na very soon.
“Ayoko na lang magsalita baka mapagalitan ako! Pero naku, naku, naku, abang-abang lang kayo diyan!” ang pambibiting pahayag ng TV host-comedian.
Hirit pa niya, “Naku, naku, naku! Abang-abang lang kayo diyan, huwag kayong ano sa akin.
“Ayoko na lang talaga magsalita baka mapagalitan ako, pero naku, naku, naku, abang-abang lang kayo diyan.
“Di ba, sabi ko sa inyo, madlang pipol, better days are coming? Kita-kits, kita-kits.
“I’m sure nae-excite kayo kung ano ang sinasabi naming kita-kits!” chika pa ng komedyante.
Ang kumakalat na balita, mapapanood na sa Zoe Broadcasting Network simula sa Sabado, Oct. 10, ang “Showtime”.
Pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord ang Zoe Channel na isa ngang free TV.
Bukod sa “Showtime”, balitang mapapanood din sa Zoe TV ang ASAP Natin To tuwing Sabado.
Kaya abang-abang na lang madlang pipol sa gagawing announcement ng Kapamilya network hinggil dito.