DOTr dapat ipamahagi ang Beep cards ng libre

Passengers use beep cards to pay on EDSA Carousel buses in Paranaque Integrated Terminal Exchange in Paranaque City. Starting October 1, 2020, the terminal will strictlyåÊimplement the ‘No Beep card, No Ride Policy’ to minimize physical contacts as part of precautionary measures against the spread of COVID19.INQUIRER PHOTO / RICHARD A. REYES

Humihirit si Quezon City Congressman Precious Hipolito-Castelo sa Department of Transportation (DOTr) na mamahagi ng libreng Beep o fare cards.

Pahayag ito ni Castelo matapos umangal ang mga pasahero sa P80 na bayad sa Beep card para makasakay sa edsa carousel bus.

Ayon kay Castelo, sa ganitong paraan, magkakaroon ng access ang mga pasahero sa mass transit system.

Base sa House resolution 1273 na inihain ni Castelo, inihihirit nito na bigyan ng libreng Beep card ang mga pasahero pati na ang nga sumasakay sa tren.

“It is hereby suggested that the Beep cards should be given to commuters for free, and there should be no usage fee charged on top of the prepaid load,” pahayag ni Castelo. ( wakas )

Read more...