Robi Domingo dating contestant, ngayon ay host na ng nagbabalik na ‘Pilipinas, Game KNB’

Mula sa Instagram ni Robi Domingo

Pilipinas, Game Ka Na Ba?

Nagbabalik ang game show na “Game KNB” at si Robi Domingo ang magiging host nito.

“Immensely grateful and overjoyed to be part of this great legacy,” ani Robi sa kanyang Instagram post.

“Kapamilya! Nagbabalik ang ating pambansang game show! Ang tanong: Pilipinas… Game Ka Na Ba? 👍🏻 #GameKNB,” dagdag nya.

Maliban sa pagiging game master ng “Pili-Pinas,” ang trivia-based na bahagi ng palabas, si Robi din ang magsasagawa ng mga ni-request ng manonood na challenges tuwing matatapos ang game show.

Mapapanood ang “Pilipinas, Game Ka Na Ba” simula Oktubre 12. Ipapalabas ito Lunes hanggang Biyernes tuwing alas 12 ng tanghali sa Pinoy livestreaming app na Kumu at premium cable channel na Jeepney TV.

Magugunitang unang lumabas ang “Game KNB” noong Oktubre 2011 at si Kris Aquino ang host nito hangang bago siya palitan ni Edu Manzano noong Marso 2007. Huling umere ito noong Oktubre 23, 2009.

Dream come true daw ang hosting job na ito para kay Robi, na dati ring naging host ng mga popular na TV shows gaya ng “Pinoy Big Brother” at “The Voice Philippines.”

Pagtatapat ni Robi: “I have been a big fan of the show, and in 2008, naging contestant din ako.”

Read more...