Abra De Ilog, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa Abra De Ilog, Occidental Mindoro.

Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang lindol sa layong 19 kilometers hilagang-kanluran ng naturang bayan.

Naitala ang pagyanig ganap na 1:03 ng hapon.

May lalim itong 123 kilometro at tectonic ang origin.

Ayon sa ahensya, walang naitalang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...