Ipinagtanggol naman ni Dra. Vicki Belo ang isa pa sa mga sikat na female endorsers nila at host ng The Buzz na si Toni Gonzaga na diumano’y napaka-demanding daw kapag nagpupunta sa kanyang clinic.
In fairness daw kay Toni, never daw nag-primadonna sa clinic nila ang actress-host-singer. Super love raw ng staff niya si Toni kapag pumupunta sa clinic nila.
Hindi rin naman daw madalas magpunta roon ang aktres. At pupunta lang doon for her regular beauty treatment. Walang major-major treatment na nagaganap.
Well, matanong nga si Toni tungkol dito. Nagmamadali na kasi si Toni palabas ng ABS-CBN nu’ng makita namin pagkatapos ng The Buzz last Sunday.
Bukod tanging ang pangungumusta na lamang sa mommy ni Toni ang nasabi namin sa kanya. Hindi na kasi masyadong bumubuntot sa mga lakad ni Toni si Mommy Pinty na siya ring manager niya.
“Naku, si Mommy? Nagpapagawa ng building,” mabilis na sabi ni Toni sa amin.
( Photo credit to Google )