Paolo tumigil sa pag-inom, kinarir ang pagpapapayat dahil kay Baby Summer

TUMIGIL sa pag-inom, regular na nagwo-workout at maaga na ring natutulog ang Kapuso actor na si Paolo Contis.

Kaya naman fit na fit na ngayon si Paolo matapos ang ilang buwang pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng exercise at detox.

Ayon sa partner ni LJ Reyes, 30 pounds na ang nabawas sa kanyang timbang — at ang isa sa naging motivation niya ay ang anak nila ni LJ na si Baby Summer.

“It’s not really the weight I lose, but the life I gain,” pahayag ni Paolo sa panayam ng GMA.

“Alam n’yo napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer ng ikatlong hakbang ayoko nang sumama, eh. Yung madali ka nang mapagod at hingalin.

“Hindi puwedeng ganu’n. Kailangang nakakahabol na ako uli, ‘di ba? So ngayon, better. I sleep better, I stopped drinking,” ang chika pa ng Kapuso host-comedian.

Kamakailan, nag-post pa sa kanyang Instagram page si Paolo ng isang nakakaaliw na eksena sa pagitan nila ni Summer.

Kuwento ni Paolo, hindi raw niya napanood ang Game 1 ng NBA finals dahil nanonood ng pelikulang “Frozen” ang kanyang anak.

Pero aniya, ganu’n daw pala kapag tatay ka na, mas iintindihin mo na ang gusto ng anak kesa sa trip ni tatay.

Samantala, tuwang-tuwa rin ang aktor sa acting moves ng anak nila ni LJ, kaya naman pak na pak ang mga video nila ni Summer kung saan tinuturuan niya ng iba’t ibang klase ng akting ang bagets.

“Para kang may matandang kausap, grabe, nakakatuwa. ‘Gusto kong maligo,’ ‘Kumain,’ ‘Anong gusto mong kainin?’ ‘Pakwan.’

“Alam mo ‘yun, diretso na ‘yung conversation pero siyempre baby pa rin magsalita. Tapos meron siyang mga acting na ‘Ouch!'” masayang chika pa ni Pao.

Sa tanong naman kung nakikita niyang posibleng pasukin din ng anak nila ni LJ ang showbiz dahil nga sa ipinakikita nitong interes sa pag-arte, diretso ang sagot ng Bubble Gang star.

“Cliché man, pero kung saan siya masaya, du’n. ‘Yun naman ‘yun eh. Pero habang bata ang ituturo mo lang naman sa kaniya the values para kapag isabak mo siya sa giyera, alam na niya lahat,” pahayag pa ng Kapuso tatay.

Read more...