Pagsailalim ng Metro Manila sa MGCQ, hindi imposible – Palasyo

Hindi imposible na isailalim sa modified general community quarantine ang Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa pababa na ang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Pero paalala ni Roque sa publiko, huwag pa ring kalimutan ang mga health protocol na itinakda ng pamahalaan.

Halimbawa na ang pagsusuot ng face mask, face shield, palagiang paghuhugas ng kamay, at physical distancing.

Paulit-ulit din aniya ang paalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “Ingat Buhay Para sa Kabuhayan” campaign.

Nasa general community quarantine (GCQ) pa ngayon ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng Oktubre.

“It is not an impossibility dahil talaga naman pong napababa natin ‘no,” pahayag ni Roque. (wakas)

 

 

Read more...