Mahigit 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (October 1), umabot na sa 314,079 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 54,294 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,415 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
86.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.0 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 59 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,562 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 771 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 254,223 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas. ( wakas )