Hugot ni Baron sa mga plastik at pekeng netizens: #DepressionIsReal

HASHTAG #DepressionIsReal ang isinagot ng Kapamilya actor na si Baron Geisler sa ilang taong peke at plastik.

May isang netizen kasi na nag-post sa Twitter tungkol sa mga taong mahilig mag-post sa social media ng tungkol sa mga taong may mental health issue.

“People be posting about mental health awareness but make fun of Baron Geisler and Kanye West in the midst of their breakdown,” ang hugot ng Twitter user.

Sagot naman sa kanya ni Baron, hindi niya masisisi ang mga taong hindi nakakaintindi sa tunay na nararamdaman ng isang may mental health disorder.

Patuloy pa ng magaling na kontrabida, “It’s ok. It will take a while for them to be fully aware and be educated about mental health.

“The stigma is still there and 2018 pa lang na-approve ‘yung bill. It’s better to understand than to be understood. #DepressionIsReal,” aniya pa.

Kung matatandaan, inamin ni Baron na nakipaglaban din siya noon sa matinding depresyon kasabay ng pagkakaroon ng bipolar disorder.

Sa ngayon, aktibo ang aktor sa pagpapakalat ng Christian Gospel at nakikiisa na rin sa mga mental health awareness campaign sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa ngayon, super happy na si Baron sa piling ng kanyang asawang si Jamie Evangelista, ang psychologist na nakilala niya sa loob ng rehabilitation center kung saan siya nagpagamot ilang taon na ang nakararaan.

Proud father na rin siya ngayon sa panganay na anak nilang si Talitha Cumi.

Read more...