Kylie may hugot tungkol sa kamatayan; patuloy na lumalaban sa ‘postpartum depression’

MALALIM ang mga hugot ngayon ni Kylie Padilla patungkol sa pinagdaraanan niya ngayong patuloy pa rin ang banta ng pandemya.

Sunud-sunod ang post ng asawa ni Aljur Abrenica sa Twitter na tila may kinalaman sa kanyang mental health condition.

Mararamdaman sa kanyang mensahe na parang meron siyang matinding pinagdaraanan ngayon sa buhay dahil may binabanggit pa siya about “death”.

“Your purpose is something innately natural to you and does not cause you stress. It’s something you will naturally be pulled toward.

“It’s something that even if you do not get paid to do it you will be willing to invest your whole being into it. So, what is it?” simulang pahayag ng anak ni Robin Padilla.

Sinundan nga niya ito ng post tungkol sa kamatayan, “Death is inescapable, one must find a calm acceptance in life. I do not want to live in fear or anxiety. maybe, if I found my true calling I could feel a sense of peace.

“Regardless of the messiness of the world. How exactly to apply it to my everyday mindset?” aniya pa.

Samantala, sa isa pa niyang post, inamin niya ang kanyang paglaban sa PPD o ang tinatawag ja postpartum depression.

“If I was to be completely honest I have been suffering from PPD these past few weeks. Usually when this happens to me I try to listen to my inner voice and meditate.

“Something inside me is being deprived of attention. Breathe and find comfort in silence, it has a lot to say,” lahad ni Kylie.

May inamin din siya tungkol sa kanyang pagiging artist, partikular sa hilig niya sa poetry, “My poetry has always been chained to the most painful memories that haunt me. I miss writing but I am not willing to put myself through a painful history.

“If I have to learn how to write all over again, then I will. It’s time to unlearn bad habits and welcome new ones,” aniya.

Sa huling bahagi ng kanyang tweet, ibinahagi niya kung paano niya nilalabanan ang anxiety at matinding takot sa “new normal” ng buhay.

“If anxiety and fear is the new norm, be radical and learn the ways you can creatively overcome. It’s not a trend to suffer in silence. It can be debilitating.

“Nurture your human self, understand and conquer your demons. You are a creature that deserves to be free of that cage,” ang pahayag pa ng asawa ni Aljur.

Kung matatandaan, inamin din ni Kylie sa isang panayam na inatake rin siya noon ng pre-natal depression nang ipinagbubuntis ang second child nila ni Aljur na si Axl Romeo.

Read more...