Arjo asar-talo sa paandar ni Maine: Delete this photo please!

ASAR-TALO ang award-winning Kapamilya actor na si Arjo Atayde sa paandar ng kanyang girlfriend na si Maine Mendoza.

May ipinost kasi ang TV host-actress sa Instagram na litrato ni Arjo kung saan ibinandera niya na may kahawig itong NBA player.

Nakatuwaan ni Menggay na ibahagi sa kanyang IG followers ang side-by-side photo nina Arjo at Miami Heat player na si Duncan Robinson.

Ito rin yung araw na naging hot topic ang 3-point shots ni Duncan Robinson na nakatalo sa Boston Celtics sa Game 6 ng NBA Eastern Conference Finals.

Ang chika ni Maine, kamukha raw ni Arjo ni Robinson kaya ang caption niya sa kanyang IG post ay, “Congrats, @arjoatayde,” with matching laughing-with-tears emoji.

Agad namang ni-repost ng anak ni Sylvia Sanchez ang nasabing artcard na ginawa ni Maine na may caption na, “Delete this photo please …. HAHAHAHHA!”

In fairness, mukhang mas lalo pang tumitibay ang relasyon ng celebrity couple kaya ang feeling ng mga tagasuporta ng ArMaine ay sa kasalan na rin mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Kamakailan ay nabalita ang pagpunta ni Maine sa rest house ng Atayde family sa Nasugbu, Batangas kung saan nakasama rin nila ang tatlo niyang kapatid at ilang kaibigan nila ni Arjo.

 

Read more...