Ellen sa basher: Ghorl na mukhang boy, ‘wag mong ipahalata ang pagka-ignorante mo

PATOL kung patol ngayon ang hindi na aktibo ngayong sexy star na si Ellen Adarna sa kanyang mga bashers sa social media.

Talagang sinasagot niya ngayon nang bonggang-bongga ang mga netizens na nangnenega at nambu-bully sa kanya.

Tulad na lang ng isang follower niya sa social media na tumawag sa kanya ng “lakwatsera” matapos niyang i-post ang maikling video clip na kuha mula sa binisita niyang waterfall kamakailan.

Comment ng netizen, “Dalaga ghorl? Ka laagan ba?” (Dalaga ghorl? Ang lakwatsera naman?)

Bwelta naman sa kanya ni Ellen, “Nanu man ghorl na mura ug boy na mura ug ‘ghorl’ (wako kasabot unsaon ka ug address kai naglibog kog babaye baka or laki).

(Translation: Bakit pala ghorl na mukhang boy na mukhang ghorl…di ko alam kung paano kita i-address kasi nalilito ako kung babae ka or lalaki.)

Hirit pa ng ex-partner ni John Lloyd Cruz, “First, this is my life and 2nd ma dalaga or not, people need a break. Ayaw kaayo ipa claro imong ka ignorante ghorl na murag boy… ngil-ad.”

(Translation: First, this is my life and 2nd dalaga or not, people need a break. Huwag mo masyado ipahalata ang pagka-ignorante mo ghorl na mukhang boy… hindi maganda.)

Sunud-sunod ang pagpo-post ni Ellen sa social media ng mga recent trips niya kaya siguro nasabi ng netizen na puro paglalakwatsa ang ginagawa niya.

Kamakalawa, hindi rin niya pinalampas ang isang lalaki na nanghingi ng hubo’t hubad niyang litrato.

Talagang hiniya niya ang netizen sa publiko matapos ibandera ang pangalan at litrato nito at ipangalandakan ang ginawa sa kanya.

Ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram Stories ang screenshot ng ipinadalang mensahe sa kanya ng lalaki na nanghihingi nga ng nude photos niya.

“This fool,” ang inilagay niyang caption sa kanyang post na pinusuan at ni-like naman ng kanyang mga fans.

Kasabay nito, ibinahagi rin ni Ellen sa kanyang followers ang Facebook profile ng netizen para ipaalam kung sino ang taong nagpadala ng “indecent message” sa kanya.

“I got you @aldwin_is_ace. Only a fool,” ang caption ni Ellen sa nasabing post.

Nasa Cebu pa rin ngayon ang dating sexy star kasama ang anak nila ni Lloydie na si Elias Modesto.

Read more...