Kathryn sa madlang pipol: ‘Wag po tayong magpabaya, kakayanin natin ‘to!

 

MISS na miss na ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang bahay nila sa Cabanatuan.

Nang dahil kasi sa trabaho at travel restrictions ay hindi na siya nakakauwi roon nitong mga nakaraang buwan.

“Nitong past few months nu’ng start ng lockdown, hindi na talaga ako nakakauwi kahit gustung-gusto ko at miss na miss ko na yung Cabanatuan at saka yung house namin doon.

“Medyo nakakalungkot lang pero blessed pa rin po dahil maraming work na dumarating. Si Papa na lang ang laging lumuluwas to meet us dito sa Manila dahil mabilis na ang biyahe ngayon pauwi at papunta ng Nueva Ecija,” kuwento ni Kathryn.

Tulad ng maraming Pilipino ay nag-aalala rin si Kathryn sa kanyang kalusugan. Bukod pa rito ay ang pag-aalala sa mga kababayan niya sa Nueva Ecija na apektado ng pandemya.

“I know it’s difficult to be positive nowadays but we have to persevere for the sake of our loved ones. As I always say, di naman po tayo bibigyan ng pagsubok na di natin kayang lampasan. But we have to take care of our health, asset po natin yan sa panahong ito,” positibong pananaw ng girlfriend ni Daniel Padilla.

Bilang celebrity endorser ng ilang brands ng San Miguel Corporation, tulad ng Magnolia Ice Cream, San Mig Coffee Crema White at Nutrichunks, na-excite rin si Kathryn nang malamang magtatayo na ang kumpanya ng Manila International Airport at economic zone sa katabing probinsya na Bulacan.

Naniniwala siya na makakatulong ito sa ekonomiya ng bansa, lalo na sa Nueva Ecija, “Marami talagang nawalan ng work nitong pandemic. It breaks my heart to see people losing jobs and unable to provide for their families.

“If possible nga na magawa na yan agad so we can already attract businesses and give people jobs. A lot of people really need help right now.

“In our personal capacity, what we can do is to help the people around us as much as we can. But for the long-term, jobs po talaga ang kailangan,” ani Kathryn.

Maliban dito ay makakatulong rin ito sa mga negosyante at magsasaka na gumagawa ng pagkain at raw materials, “If you need to transport products quickly or perishable yung goods mo, big advantage yung magkaroon ng accessible na airport like the one sa Bulacan.

“I’m sure this is a positive sign for many businesses in Nueva Ecija and even as far as the north like Baguio, Pangasinan, and Ilocos. Mahirap isipin now because a lot of businesses are struggling, but when the time comes na matapos na yung pandemic, then the airport will be ready and we can start and help a lot of people recover,” lahad pa ng dalaga.

Aniya, mabubuksan rin ang Luzon, kabilang ang kanyang probinsya sa mga turista, lalu-lalong na sa mga taga-ibang bansa dahil mas madali nang makakabiyahe.

“With the new airport, there’s another better option. And from what I heard, it’s going to be really big, spacious and modern. If sanay ka sa big airports like in Japan, Korea and in Europe, it’s going to be that big and I’m proud to be part of the San Miguel family that is making this happen,” chika pa ni Kath.

Sa gitna ng pademya, tuloy tuloy pa rin ang trabaho para kay Kathryn. Kailangan nga lang ng ibayong pag-iingat kaya’t nasa isang lugar lang sila at bawal ang outside contact habang may shooting o taping.

“Marami pa rin pong projects and right now we really have to stay in a bubble, as in we have to stay in one place para mabawasan yung chances na magka-COVID. So most of the time I’m away talaga from home.

“We know it’s for the welfare of everyone so we have to be very conscious and compliant with health regulations like washing of hands, wearing masks and social distancing.

“I encourage everyone po to please be mindful of the safety of others around you and always practice safety measures sa panahon na ito. Huwag po tayo magpabaya. kakayanin po natin ito, just keep praying and helping our families and friends,” paalala pa ng tinaguriang Queen of Hearts.

Read more...