BREAKING NEWS: Marinduque Rep. Velasco, bagong House Speaker

Natapos na ang girian sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kaugnay sa speakership post.

Ayon sa isang kongresista na kasama sa pulong sa Malakanyang, simula sa October 14 ay mauupo ng House Speaker si Velasco.

Ito ayon sa source ay base na rin sa 15-21 term-sharing agreement.

Martes ng gabi, September 29, humarap kay Pangulong Rodrigo Duterte sina Cayetano at Velasco kasama ang iba pang lider ng Kamara at mga kaalyado ng mga itong kongresista.

Pinag-usapan sa pulong ang may kinalaman sa speakership post.

Read more...