Aga balik-TV5, magiging judge sa Pinoy version ng Masked Singer; si Billy ang napiling host

KALIWA’T kanan na ang nasusulat tungkol sa mga bagong programa ng TV5 na pagbibidahan ng  mga Kapamilya stars.

Kabilang sa mga ABS-CBN artists na napabalitang mapapanood sa Kapatid Network sina Piolo Pascual, Ian Veneracion, Miles Ocampo, Wacky Kiray, Sue Ramirez, Jerome Ponce, K Brosas, Bayani Agbayani, Dimples Romana, Jane Oneiza, RK Bagatsing, Yen Santos, Jason Gainza, Billy Crawford, Alex Gonzaga, Beauty Gonzales, Maja Salvador, Catriona Gray at Korina Sanchez.

At ang latest addition nga ay si Aga Muhlach na balik-TV na rin. Isa siya sa magiging judge ng Pinoy version ng “Masked Singer” to he hosted by Billy Crawford.

Balitang makakasama ni Aga reality show na “Masked Singer Pilipinas” bilang judge sina Matteo Guidicelli, Cristine Reyes at Kim Molina.

Pasok din sa TV5 ang Kapamilya directors na sina Jeffrey Jeturian, Dan Villegas at Edgar “Bobot” Mortiz.

Nauna nang inanunsyo at nagkaroon na ng contract signing sina DJ Chacha at Ted Failon na magkakaroon ng programa sa Radyo 5.

Tinanong namin ang Head of Programming ng TV5 na si Direk Perci Intalan kung ilang taon ang kontrata ng Brightlight Productions na pag-aari ni dating Cong. Albee Benitez na siyang producer ng mga magiging show ng Kapamilya talents.

“Per show ang pinag-uusapan for each producer. Depende talaga sa show if maa-approve or hindi,” sagot sa amin ni PMI.

Sa madaling salita kung sakaling mag-click ang mga programang produced ng Brightlight ay posibleng abutin ito ng taon.

“Oo, renew nang renew per season,” say pa ng TV executive cum director-producer. Dagdag pa niya, “At least as far as Cignal and TV5 are concerned, ha. Di ko alam ano deals ng bawat producer sa stars na kinukuha nila.”

Hindi naman kami sinagot ni PMI sa tanong namin kung kailan ang airing ng mga programa ng Kapamilya stars ngayong nasa last quarter na ng 2020.

Anyway, binanggit ni Mr. Benitez sa sulat niya sa advertisers na si Mr. Johnny Manahan ang producer ng noontime show na “Laugh Out Loud” na iho-host nina Billy at Alex Gonzaga.

Sina Piolo, Maja at Catriona naman ang kasama sa Sunday noontime variety show na si Mr. M mismo ang direktor.

Si direk Bobot naman ang direktor ng gag show na “Sunday Kada Kada Sunday.”

At ang comedy show na “Oh My Dad” na pagbibidahan nina Ian Veneracion, Dimples Romana at Sue Ramirez ay ididirek ni Jeffrey Jeturian.

Ang rom-com na “I Got You” ay pagbibidahan naman nina Beauty, Yen at RK.

At ang “Rated Korina” ni Korina Sanchez ay mapapanood naman tuwing Sabado.

Nasulat namin dati na makakatapat ng mga nabanggit na programa sa TV5 ang “ASAP” at “It’s Showtime” pero dahil wala nang free TV ang Kapamilya network kaya hindi na, pero kung sabay manonood ang viewers sa telebisyon at sa Kapamilya online/YouTube ay magkatapat pa rin ang mga ‘yan.

Read more...