ENGAGED na ang aktres na si Empress Schuck sa kanyang non-showbiz partner na si Vino Guingona.
Naganap ang proposal sa mismong birthday celebration ng kanilang anak na si Athalia kahapon, Sept. 28, na nasaksihan ng kanilang pamilya.
Sa kanyang Instagram page, ibinandera ni Empress ang ilang litrato na kuha sa makasaysayang birthday party ng anak na naging instant double celebration nga dahil sa pagpo-propose ni Vino.
“And so this day has become even more special. It’s not just Athalia’s birthday anymore but also a new celebration of God’s intention,” ang inilagay na caption ni Empress sa kanyang IG post.
Aniya pa, “Thank you @vinoguingona for doing it on her birthday and in this special home witnessed by my whole family. Wouldn’t have it any other way.
“A new chapter begins for me. And I know by walking with God together, we are on the right path.
“The goal of our relationship is to honor Him and do things what’s right in His eyes and that’s what we’re going to do real soon,” pahayag pa ng aktres.
Nag-post din si Vino sa kanyang IG account ng mensahe niya para sa kanyang future wife at nagpasalamat sa pagpayag na magpakasal sa kanya at maging mag-partner “for the rest of their lives.”
“My love, my everything. Thank you for inspiring me everyday to be the best dad, the best partner, the best person that I can be.
“Thank you for loving me for who I am… I love you and always will.
“Thank You, Heavenly Father for this wonderful moment. Thank You for the gift of love and family,” pahayag ni Vino na apo ni former Vice President Teofisto Guingona, Jr. at pamangkin ni Sen. Teofisto Guingona III.
Kung matatandaan, noong 2015, inamin ni Empress na buntis siya sa panganay nila ni Vino kaya naman nawala siya pansamantala sa showbiz.
Pagkapanganak, bumalik din siya sa pag-arte at nakagawa ng ilang proyekto sa GMA. Sa isang panayam noon, sinabi ng aktres na wala pa silang balak magpakasal ni Vino dahil mas gusto muna nilang ibuhos ang kanilang panahon kay Athalia.