Kandidata sa Miss Universe PH 2020 tinamaan ng COVID; nag-sorry sa mga taong posibleng nahawa

NAG-SORRY ang isa sa mga official candidate ng 2020 Miss Universe Philippines pageant matapos mag-positibo sa COVID-19.

Agad na ipinaalam ni Mari Isabela Galeria na taga-Sorsogon, ang kanyang kundisyon ngayon sa Miss Universe PH organizers at sa lahat ng mga nakasalamuha niya nitong mga nakaraang mga araw.

Ipinost ng dalaga sa Instagram post ang nangyari sa kanya kasabay ng paghikayat sa mga taong nagkaroon ng close contact sa kanya na magtungo agad sa mga health centers para magpatingin.

“With so much sadness in my heart, I regret to inform you that I tested positive for COVID-19 rtPCR. This news breaks my heart deeply and I apologize if ever I put you at risk,” simulang mensahe ni Mari Isabela.

Nagtataka ang dalaga sa nangyari dahil sinunod naman daw niya at ng iba pang kandidata ang lahat ng safety protocols pero nahawa pa rin siya.

“We followed and did all the safety precautions to safeguard from the infection, however it still found us,” lahad pa ng dalaga na isang registered nurse.

Dagdag pa niyang pahayag, “I have spoken with those that I saw recently. My team, my MUP sisters and those I had close contact with in Manila all tested negative. I am in isolation and quarantined now.

“I ask whoever came into close contact with me to please inform your City/Municipal Health Officers and their team to check on your condition. Hoping that I did not pass on to you the virus,” ani Mari.

Dahil nga sa nangyari, humingi ng paumanhin ang dalaga sa mga taong posibleng nahawa sa kanya at sana’y magtagumpay din sila sa paglaban sa killer virus.

“I am truly, deeply sorry. Kindly find it in your hearts to include me and my family in your prayers,” sey pa ni Mari.

Ang grand coronation night para sa unang edisyon ng Miss Universe Philippines ay magaganap sa darating na Oct. 25 sa Mall of Asia Arena.

Read more...