Myrtle type maka-collab si Alden sa online game; pasok sa Top 100 Ragnarok Asian tournament

GUSTONG maka-collaborate ng actress-cosplayer na si Myrtle Sarrosa sa online gaming ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Ayon sa dalaga, excited siyang makasama ang Pambansang Bae sa paglalaro online dahil nga pareho na silang nag-i-stream ngayon ng kanilang mga game.

“Sana maimbita ko siya to play with me. I actually played against him, sayang. I hope next time, we can play together naman.

“Nakakatuwa ‘yon, I mean he’s very good rin sa video games, saka nakakatuwa rin ‘yung mga live stream niya, I hope we can collaborate,” ang pahayag ni Myrtle sa ginanap na digicon para sa muli niyang pagpirma ng kontrata bilang celebrity ambassador ng Sisters Sanitary Napkin & Pantyliners products ng Megasoft.

Masayang ikinuwento ni Myrtle sa nasabing virtual presscon na nakapasok siya sa Top 100 ng Asian online game tournament kung saan libu-libong gamers ang sumali.

Sa katunayan, siya raw ang highest-ranking Filipina sa ginanap na competition na maituturing daw talaga niyang napakalaking achievement sa online gaming world. Tumagal daw ng six weeks ang nasabing Southeast Asian tournament.

“I played the game Ragnarok mobile in Triple App tapos nag-group leader din ako for the guild Exodiac. So, currently parang medyo top guild po kami sa Ragnarok and it’s very rare kasi for a female gamer to get into the Top 100 rank para sa game na ito.

“Thousands competed to be in the Top 600. Tapos it is the first time for a long time na maraming Filipina na nakapasok. I think I was the highest-ranking Filipina pero may mas mataas pa sa akin na Pinoy. Pero ka-guild ko din sila,” lahad ng dalaga.

“I played together with teammates from Malaysia to Singapore. So, ‘yung team namin was dalawang Filipino, tatlong Malaysian, tapos isang Singaporean. Masaya dahil doon nagkaroon din ako ng mga bagong friends sa other countries.

“And, of course, parang giving honor din sa Philippines kasi sa previous Season walang nasa Top 100 noong previous season. Parang it was first the time after one season na may Filipino na nakapasok,” sey pa ni Myrtle.

Inamin din niyang malaki ang naitulong ng paglalaro para labanan ang anxiety at stress dulot ng lockdown. Pero pinagdiinan ni Myrtle na hindi dapat masira ng online gaming ang pag-aaral at iba pang priorities sa buhay ng isang gamer.

“Dapat alam nila ’yong priorities nila in life. Dapat they should start their day doing productive tasks, ‘yung mga homework nila sa school and the only time they should do their video game is after that.

“Ako din kasi, e. I didn’t play video games when I was in college kasi I knew how bad it could affect my schooling. And during that time I was also working.

“So, nu’ng time na ’yon I didn’t spend as much time in video games. Ngayon lang that I finally got free time parang na-appreciate ko talaga. So, sa mga students, know your priorities and value what’s more important and be productive,” paalala pa ng dalaga.

Samantala, nagpapasalamat naman si Myrtle sa bagong blessing sa buhay niya. Ito nga ang pagre-renew niya ng kontrata bilang endorser ng Megasoft.

Kasamang humarap ng dalaga sa ginanap na digicon si Aileen Choi-Go, ang VP for Sales & Marketing ng MegaSoft Hygienic Products, Inc..

Panibagong apat na taon ang pinirmahang kontrata ni Myrtle bilang ambassador ng Sisters Sanitary Napkin & Pantyliners. Ibig sabihin, buong-buo pa rin ang tiwala at pagmamahal ng Megasoft sa dalaga.

Dahil tigil muna ang pag-iikot ni Myrtle sa iba’t ibang panig ng bansa para sa mga events ng Megasoft, sa social media muna niya tinitulungan ang kumpanya.

“Siyempre walang trabaho. Tigil din ‘yung campus tour namin for Sisters. Pero sobrang natutuwa ako and grateful sa trust sa akin ni Miss Aileen Choi-Go.

“Sa ngayon, tumutulong din ako sa social media account ng Mega­Soft kaya naman nagagagamit ko ‘yung knowledge ko (online),” sabi pa ni Myrtle.

Inamin naman ni Ms. Aileen na nasira ang lahat ng plano nila sa kum­panya at produkto ng buong taon dahil sa pandemya, ngunit nananatili ang positibo niyang pananaw sa buhay.

“Pero you have to move. Good thing sa products namin ay essentials ito ngayong pandemic. Laban lang gaya ng ibang businesswoman! You have to be resilient!” pahayag ni Ms. Aileen.

Read more...