Arci takot pang bumalik sa trabaho, pero bakit pumayag gawin ang Walang Hanggang Paalam?

 

NAWALA lahat ng takot at pagkapraning ni Arci Muñoz sa pagbabalik-taping nang i-offer sa kanya ang teleseryeng “Walang Hanggang Paalam”.

Aminado ang aktres na hindi pa talaga siya handang magtrabaho uli dahil patuloy pa rin ang banta ng pandemya sa bansa. Inaala din kasi niya ang nanay niyang senior citizen.

Ngunit aniya, nang mabasa niya ang script ng action-drama series na “Walang Hanggang Paalam” under Dreamscape Entertainment ay biglang nagbago ang kanyang desisyon.

“Honestly, at first I was a bit hesitant to do it because of course we are in the middle of the pandemic nga and I stay with my mom and my mom is a senior citizen,” simulang paliwanag ng dalaga na gaganap na special agent sa serye.

“Parang after they pitched it to me, sabi ko ang ganda nung story for me to pass.

“Ang ganda-ganda nu’ng role and I’ve been wanting to do an action series, drama, or movie so ang bilis, pagka-pitch na pagka-pitch sa akin, sabi ko parang nawala lahat ng hesitations and I was like, ‘Yeah, I’m game.’

“Parang after a month na pinitch sa akin, nag-start na kami mag-shoot. So, I really didn’t have that much time to prepare but I was just really thankful,” pahayag ni Arci sa ginanap na virtual digicon ng “WHP”.

Naikuwento rin ni Arci kung gaano katindi ang ipinatutupad na health protocols sa taping nila. Aniya, hanggang ngayon ay naka-lock-in taping pa rin sila sa Zambales.

“At first nandu’n ako sa malayong lugar, first time ko mag-lock in ng ganu’n katagal. Siyempre mas iniisip ko yung mga tao at home. Wala ako, malayo ako sa family ko. And I’m here na maraming tao, ang daming uncertainties, and yet pinaramdam nila sa amin na safe kami.

“Pagdating namin du’n, we had regular na mga PCR tests just to make sure that everyone is safe. Mostly nag-worry ako sa family ko at home.

“Pero kasama ko kasi itong mga artistang ito, staff and everybody, they’re all cool kaya hindi ako nahirapan. Walang praning moments naman,” lahad ng aktres.

Nagpapasalamat din si Arci sa Dreamscape na sa kanya ibinigay ang proyekto, “This is a blessing. Sino ba naman ako to say no and right when I got there, hindi ko naramdaman honestly na we are going through something though we are following very strict protocols.

“Pero still, this is a blessing and I’m really grateful. I’m very thankful ako sa ABS-CBN because ang suwerte namin sa mga bosses namin na talagang iniingatan talaga kami.

“Hindi lang kami na mga artista, lahat ng tao sa production. Sobrang blessed kami na meron kaming ganitong mga bosses kasi hindi naman nila ipagsasawalang-bahala yung safety. Safety first,” aniya pa.

Makakasama rin ni Arci sa “Walang Hanggang Paalam” sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban, Jake Cuenca, JC Santos, Tonton Gutierrez, Lotlot de Leon, Ronnie Lazaro, McCoy de Leon, Mary Joy Apostol, Sherry Lara, Victor Silayan, Javi Benitez at Cherry Pie Picache.

Ito’y sa direksyon nina Emmanuel Palo at Darnel Villaflor at mapapanood na bukas, 9:20 p.m. sa cable at satellite TV via Kapamilya Channel (SKYchannel 8 on SD and channel 167 on HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, and most cable operator- members under Philippine Cable and Telecommunications Association).

Pwede rin itong mapanood sa Kapamilya Online Live livestreaming daily sa ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel at Facebook page, iWantTFC app (iOs and Android) and on iwanttfc.com at Filipino Channel.

Read more...