KINUKUNAN na si Tom Rodriguez ni Jun de Leon nu’ng datnan namin para sa pictorial niya for Belo Essentials. Nandoon na rin ang manager ni Tom na si Popoy Caritativo habang parating na ang pamosong beauty surgeon na si Dra. Vicki Belo at ang anak niyang si Cristalle Henares.
Definitely, mas gumuwapo at nadagdagan ng star aura si Tom ngayon compared the last time na nainterbyu namin siya sa ABS-CBN.
Maging si Jun de Leon ay nagwapuhan at tuwang-tuwa sa isa sa leading men ng top-rating teleserye ng GMA 7 na My Husband’s Lover.
Happy and excited sina Dra. Vicki at Cristalle sa mga lumabas na pictures ni Tom especially nu’ng ipinakita na ang abs niya at naka-open up ang button ng kanyang pantalon.
Gusto ni Dra. Vicki na ibaba pa sana ng konti ang pantalon ni Tom sa kanyang pictorial. Pero mukhang magkakaproblema raw sila kapag inilabas na ‘yun sa public. Kaya medyo nalungkot si Dra. Vicki.
“Hay naku,” buntong-hininga nito. “Except for me lang, kung ako ang masusunod mas mababa pa ‘yun. No, but I really like to tease. I like to push the envelope but what’s really amazing for me is little one inch going to be controversial.
“We’re not sure if we gonna get approval just because it’s open by one inch, and you know, girls wear bikinis that are so tiny and their bras but it’s not a problem.
But for guys to open their button, hindi nga nakababa ang zipper pero medyo makikita mo lang ‘yung konting ano, tapos magiging controversial na,” inis na sey pa ng doktora.
Kailangan pa raw idaan sa kinauukulan at ipa-approve ang ilalabas nilang billboard ni Tom especially sa EDSA, “So, I pray na ma-approve.
Kasi ano, to be a first, but I think sa jeans, they do that? Sana naman makalusot na kami. No, kasi, ang ganda, e. It’s cute. It’s provocative.”
Sobrang fan daw ng teleseryeng My Husband’s Lover si Dra. Vicki kaya na-in love na rin siya kay Tom, “Parang he’s like a man but then people think he is a real man.
But people have a double ano, their head because of his character in the show, they also think of him. But men are men regardless if they’re gay, straight,” pahayag ni Dra. Vicki.
Mabait, sweet, gentleman at smart kung i-descrie ni Dra. Vicki si Tom, “We will make a major campaign for Tom. Yeah, we promised him it’s gonna be a synergic thing. By September out na ‘yan lahat.
While the show (My Husband’s Lover) is hot. Kaya lang ang launch ngayon ang hirap, e. GMA7 na kasi si Tom. Hindi katulad dati kapag naglo-launch ng isang tao, GMA and ABS covers.
Pero in the last years, hindi na ganoon, e. Ngayon hindi na pwede. Mas competitive na ata ngayon. Mas ano na ang rivalry ngayon,” diin niya.
Samantalahin na rin namin ang espasyo para pasalamatan ang mga taga-Corporate Communications ng ABS-CBN at GMA sa regalo at pag-alaala sa aming kaarawan. Many more quality programs and top-rating shows po sa inyo!
( Photo credit to Google )