4.4 na lindol tumama malapit sa baybayin ng Surigao del Sur

Phivolcs

Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa karagatan malapit sa baybayin ng bayan ng Bayabas sa Surigao del Sur ngayong Sabado sa ganap na 7:33 ng gabi.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang lugar ng pagyanig may 75 kilometro sa hilagang silangan ng Bayabas.

May lalim itong apat na kilometro.

Walang anumang naiulat na pinsala o nasaktan sa lindol.

 

Read more...