DALAWANG linggo palang nagkasakit ang buong pamilya ni Robin Padilla dahil sa impeksyon.
Base sa Insragram post ni Robin nitong Huwebes, nagsimula lang ang kanilang sakit sa baradong ilong at ubo.
“Walang pinipili ang sakit kaya mag iingat po tayo in shaa Allah. Napakabilis ng pagkalat ng Flu virus. Nag umpisa sa baradong ilong ko at pa isa isang ubo na lumipat kay Isabela at nailipat naman nya sa mama niya, kapatid nya at ninang Analyn,” simulang pahayag ng aktor sa inilagay niyang caption.
Sa sumunod na bahagi ng kanyang post, isa-isa niyang pinasalamatan ang mga mahal niya sa buhay.
“Alhamdulillah naagapan ang pagkalat sa mga ibang kasamahan dahil sa kagyat na pag quarantine sa aming may mga flu at ang pagkarga ng Vitamin C ng lahat ng mga nasa bahay at ang pagsaksak ng flu vaccine sa mga hindi carrier.
“Maraming salamat babe @marieltpadilla sa pag aalaga mo sa aming lahat kahit hirap ka sa paghinga inaasikaso mo pa kaming lahat.
“Maraming salamat sa mahal na ina @evacarinopadilla sa palagiang pagkamusta sa amin sa zoom.
“Maraming salamat @betchayvidanes sa mga kahon ng airborne vitamin c. Maraming salamat sa aking mga doctor sa Dr Jesus Delgado hospital at sa mga frontliners nito na nag asikaso sa aking general check up.
“Maraming salamat din sa lahat ng nagpadala ng pagkain sa amin
@rafaelsazon @usama_syllogist @elgab18.
“Maraming salamat din kay Dra Carmella Guevarra na siyang suki namin sa Covid testing at flu vaccination. Maraming salamat sa lahat ng panalangin para kami’y gumaling at ‘wag mahawa ang iba.
“Maraming maraming salamat din sa lahat ng mga kasama namin sa bahay ni Mariel at Analyn. Kay ate Erna, sister Jo, Elsie, sister Jam, Narcisa, Belen, Rico Guardia, Utoy at Peter.
“Higit sa lahat maramimg maraming salamat sa nag iisang Panginoong Maylikha na nagbigay sa amin ng biyaya ng kakayahan makapagpagamot at magpagamot ng mga kadugtong ng pisi Alhamdulillah.
“Maraming maraming salamat sa lahat In shaa Allah ay maging maayos ang kalusugan nating lahat Ameen,” mensahe pa ng mister ni Mariel Padilla.
Samantala, habang sinusulat namin ito ay nag-post na ulit si Binoe ng, “Laughter is strong medicine. Laughter strengthens your immune system.”
Nabanggit din ni Robin ang pangalan ni Vina Morales na dahilan ng kanyang movie career.
“Isa si Ms Vina Morales sa pundasyon ng aking Movie career. Ang mga Pelikula namin ay naging sunod-sunod ang tagumpay at katunayan ang 2 rito ay mga giant blockbuster.
“Ngayon sa pagkakataon na ibinibigay ng Eagle Network Net 25 ay muli kaming magkakasama ni Ms Vina Morales sa isang musical sitcom na pinamagatang ke saya saya,” aniya pa.