Dingdong negative sa COVID; pwede na uling yakapin, halikan ang 2 anak


SAFE na uling yumakap at humalik si Dingdong Dantes sa kanyang asawang si Marian Rivera at dalawa nilang mga anak.

Maaari na ring tumanggap ng ibang trabaho ang Kapuso Primetime King matapos magnegatibo sa isinagawa sa kanyang COVID-19 antigen swab test.

Nagpasalamat si Dingdong sa mga frontliner na nagsagawa ng test sa kanya sa tulong na rin ng kanyang “Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)” co-star na si Rocco Nacino na isa ring registered nurse.

Sa kanyang Instagram Story, ibinalita ng Kapuso actor na ang mga partner doctors nina Rocco ang nag-isyu ng medical certificate sa kanya na nagsasabing hindi siya tinamaan ng killer virus.

Ito’y matapos nga ang kanilang 10-day lock-in taping para sa “Descendants of the Sun”. Agad na nag-self-quarantine si Dingdong sa isang bed and breakfast sa Tanay, Rizal para masigurong healthy and fit pa rin siya bago umuwi sa kanilang bahay.

Recently lang ay nilanggam ang social media sa recent posts nina Dingdong at Marian kung saan ipinasilip nila ang naging quick getaway sa isang wellness facility sa Laguna.

Matapos ang naging lockdown taping ni Dingdong para sa “DOTS”, finally ay nagkaroon na sila ng alone time ng kaniyang asawa.

Marami ang kinilig sa caption ng aktor sa kanilang selfie ni Marian sa Instagram na, “Malinis na hangin, mga puno, sariwang gulay, mainit-init na tubig…at ikaw. Huwow! A much needed relaxation with some medical treatments in this well-loved place.”

Talaga namang sunud-sunod ang blessings para sa pamilya Dantes at kamakailan lang ay tinanggap ni Dingdong ang Asian Star Prize mula sa 15th Seoul International Drama Awards.

Samantala, excited na ang lahat ng sumusubaybay sa “DOTS PH” sa pagbabalik nito sa GMA Telebabad very soon.

Natapos na ang lock-in taping ng serye at balitang nakunan na rin ang lahat ng highlights sa Pinoy version ng nasabing hit Korean series nina Dingdong at Jennylyn Mercado.

Kaya naman atat na atat na ang viewers na mapanood muli ang “DOTS” na pansamantala ngang nawala sa ere dahil sa pandemya.

Read more...