Regine 18 lang nang unang maka-date si Ogie; ayaw maka-duet noon ang asawa | Bandera

Regine 18 lang nang unang maka-date si Ogie; ayaw maka-duet noon ang asawa

Ervin Santiago |September 25,2020
facebook
share this

Regine 18 lang nang unang maka-date si Ogie; ayaw maka-duet noon ang asawa

Ervin Santiago - September 25, 2020 - 09:43 AM


ALAM n’yo ba na unang nakipag-date ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kay Ogie Alcasid noong 18 years old pa lang siya?

At knows n’yo ba ang dahilan kung  bakit ayaw niyang maka-duet ang kanyang asawa noong magkasama sila sa Sunday musical ng GMA na SOP?

Kuwento ni Regine, maraming hindi nakakaalam na ang “first date” nila ni Ogie ay noong 18 pa lang siya habang 22 naman ang singer-songwriter.

“Eto ha, nu’ng bata kami, I was 18 and he was probably like 22, nag-date kami. Pero it was a group date. Niyaya niya ako makipag-date. I was even with my father because I was young and taga-Bulacan pa ako,” simulang kuwento ng Songbird sa online chikahan nila ng TV-movie writer na si G3 San Diego.

Ayon sa singer-actress, mula noon hindi na sila nagkaroon ng chance na makapag-bonding uli nang bonggang-bongga hanggang sa lumipas ang ilang taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana.

Patuloy na chika ni Regine, “We didn’t see each other for a long time until mag-‘SOP’ na. Parang tinuloy namin ‘yung friendship namin dahil hindi ko siya nakikita masyado.

“Parang nagkaroon ako ng sarili kong mundo and nagkaroon din siya ng sarili niyang mundo. He eventually got married and had Leila (Alcasid, anak ni Ogie kay Michelle van Eimeren),” lahad ni Regine.

At doon na nga sila nagsimulang maging close, “He’s the first person I look for (sa studio ng SOP) kasi makwento siya, marami siyang tsismis. Pag-upong pag-upo niya, ‘Anong bagong tsismis?’ At nakakatawa may bago talaga siyang tsismis.”

Sa isang bahagi ng panayam ay inamin din ng Songbird na hangga’t maaari ay ayaw niyang magkaroon sila ng duet ni Ogie dahil natatawa raw siya.

“So lahat ng duet ko, I would always sing with someone else. Nahalata daw niya. ‘Regs, sabi ni Ogie bakit daw hindi ka nakikipag-duet sa kanya.

“Kailangan n’yo na talaga mag-duet kasi sumasama na ‘yung loob ni Ogie.’ Sabi ko, okay sige. ‘Yung first duet namin, ‘yung blocking namin magkatalikod kami. Pero ‘yung mga sumunod, I got used to singing with him again,” pahayag ng Kapamilya star.

Sa tanong kung kailan sila nagkainlaban ni Ogie, “Matagal. Basta nga ganu’n, parang he started calling me. Because we were just really friends.

“We had no intention of falling in love. We were just really good friends. Parang ‘yung time na ‘yun, ako na lang yata ‘yung artista na walang cellphone.

“Nu’ng nagkaroon ako ng cellphone, I think he’s one of the first persons I texted. I congratulated him, it was his concert. And then after that, we would have exchange na. Nagte-text na kami lagi. Sumunod du’n ‘yung tawagan na,” kuwento pa niya.

Diretsahan ding inamin ni Regine na hindi na siya nasorpresa nang aminin na ni Ogie ang feelings niya, “I was kind of expecting it and I was also kind of wanting it to happen pero hindi ako sure because he was married. And then it happened.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes, hindi siya masayang umpisa. Madami kaming pinagdaanan. But in the end, it all worked out and now we are here. We are married,” sabi pa ng nag-iisang Songbird.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending