P578,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Cebu City

Arestado ang isang high-value target sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Cebu City, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng North Reclamation Mabolo bandang 4:25 ng hapon.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kay Ronilo Esmeres Bartolome alyas “Olsen,” 40-anyos na residente ng Barangay Mabolo.

Samantala, nakatakas naman ang kasabwat nito na sa Marjon Rosalejos Orbiso.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 76 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P578,000.

Nakuha rin ang ginamit na buy-bust money at iba pang non-drug evidence.

Kasong paglabag sa Section 5 na may koneksyon sa 26b at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban kay Bartolome.

Read more...