PACMAN nauubos ang yaman dahil sa mga sipsip na kaibigan, uto-uto raw?


HOW true kaya na naghihirap na si Manny Pacquiao? Balitang-balita na ibinebenta na nito ang kanyang Hancock Park mansion sa US.

As posted in a report recently, ibinebenta raw ito ni Pacman for a cool $2.7 million. Nabili niya ito ng $2.17 noong 2009.
Meron ding lumabas na isyung naghihirap na raw ang Pambansang Kamao dahil puro palabas na ang pera niya.

Naubos na raw ang datung nito noong nakaraang dalawang election. Siya rin kasi ang nag-finance ng campaign ng kanyang asawang si Jinkee at ng kanyang kapatid.

Daang milyon daw ang lumabas sa kaban ni Pacman noong eleksyon. Add to it ang mga chikang hindi naman kumikita mostly ang ilang businesses niya. Ilang negosyo na nga niya ang nanganganib na magsara dahil lugi ang mga ito?

Actually, mismanaged naman yata ang mga business ni Pacman dahil hindi naman siya hands-on sa kanyang mga negosyo. Imagine, dalawang beses lang daw siya nakakapunta sa loob ng isang taon sa kanyang business office sa Manila.

Ano’ng mangyayari sa kanyang negosyo kung ganoon? Sabi pa ng kaibigan ni Manny sa isang interview, ang problema kay Pacman ay hindi ito makahindi sa mga humihingi ng tulong sa kanya.

Kulang na lang ay sabihing marami ang nagsamantala sa kabaitan nito. Actually, marami pang puwedeng gawing pera si Pacman. Marami pa siyang mga ari-arian, mga mamahaling sasakyan at ilang properties.

He can make money pa rin naman lalo pa’t meron pa siyang next na laban. Ang magandang gawin siguro ni Pacman ay mamuhay na lang siya nang simple. Limitahan na niya ang paggastos.

Ibahin niya ang kanyang lifestyle. Bawasan  ang kanyang luho at maging luho ng kanyang asawang si Jinkee.

( Photo credit to Google )

Read more...