#NaKakieLokal: Frankie may bagong ipinaglalaban, pumayag mag-endorso nang libre

MAY bagong ipinaglalaban na naman ang matapang at may paninindigang young singer na si Frankie Pangilinan.

Hindi lang ang pagbibigay ng kanyang saloobin at pananaw sa iba’t ibang national issue ang ginagawa ngayon ng dalaga sa social media.

Ibinandera ng anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ang ginagawa niyang pagtulong sa mga local business sa Pilipinas, lalo na sa mga nagsisimula pa lang.

Gamit ang social media influence, sinimulan na ni Frankie ang kanyang hashtag #NaKakieLokal. Ito ang paraan niya para ibandera ang mga local products na ginagamit niya.

“Local businesses need our help now more than ever. The pandemic has taken so many livelihoods and deprived people of opportunities,” caption ni Frankie sa kanyang Instagram post.

Dito ipinagdiinan ng dalaga na wala siyang bayad o talent fee sa pag-endorso ng mga nasabing produkto.

“None of these posts will ever be sponsored/paid for, these will all be items either sent to me without contractual obligation or purchased with my own money.

“All 100% local and most are sustainably + ethically sourced. If you see me advertising a product without the #NaKakieLokal tag, then that’s paid for,” mensahe ni Frankie.

Kung matatandaan, umingay nang bonggang-bongga ang pangalan ng singer dahil sa matatapang na pahayag niya sa mga maiinit na issue sa lipunan.

May mga pumuri at humanga sa kanya pero meron ding tumuligsa. Pero hindi nagpatinag ang dalaga at mas naging palaban pa.

Sabi pa niya sa isa niyang post, “My personal convictions don’t reflect the rest of my family’s views and vice versa. I’m a whole woman with a brain, okay?

“Like, [I am] still growing up and definitely still learning. But don’t come for my parents or my family if you disagree with me because I’m the one who should be held accountable for my own choices and actions and I’m committed to growth. Just wanted to put that out there.”

Sa isa namang panayam ipinagdiinan ni Frankie na, “My parents fully raised us like in anticipation, na they didn’t want us to be like spoiled bratty kids, you know. I’m not calling anyone a spoiled bratty kid but I just know that it’s something they didn’t want us to be.

“So, it was a priority talaga for them to like make sure that we were as immersed in our own culture as we could be,” lahad pa niya.

Read more...