Erich napaiyak sa b-day vlog: Sana matapos na ang pandemic na ito

HINDI napigilan ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales ang mapaluha sa birthday vlog na ipinost niya sa kanyang YouTube channel.

Nag-celebrate ng 30th birthday ang dalaga last Sunday, Sept. 20 at ilan sa mga eksenang naganap sa kanyang kaarawan ay ibinahagi niya sa kanyang fans and YouTube subscribers.

Siyempre, aminado si Erich na medyo malungkot ang kaarawan niya this year at hindi kumpleto ang selebrasyon dahil wala ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Pero sey ng aktres, naiintindihan naman niya ang sitwasyon dahil naka-community quarantine pa rin ang bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

“Sobrang miss ko lang ‘yung family ko especially ngayon. Medyo sad lang konti na sana, kasama ko sina mama, si ate, si kuya,” ang pahayag ni Erich.

Pero aniya, positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay at patuloy na nagdarasal na darating din ang araw na babalik sa normal ang lahat at muli niyang makakasama ang mga mahal niya sa buhay.

Ang birthday wish ngayong taon ni Erich ay ang matapos na ang coronavirus pandemic at maging safe na uli ang Pilipinas.

“Siguro dasal ko lang talaga na sana matapos na ‘to lahat, ‘no, para makasama na natin ‘yung mga mahal natin sa buhay. Hala siya, naiiyak na me,” ang maluha-luhang pahayag pa ng dalaga.

Hindi rin nakalimutan ng actress-vlogger na pasalamatan ang lahat ng nakaalala at bumati sa kanyang birthday.

“Anyway, I just wanted to thank you for all the love and support. Hindi po talaga ako magsasawa na magpasalamat sa inyo.

“Thank you very much sa pagsama sa akin today. Sa lahat po ng mga nag-send ng messages. Sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal, nagbigay ng regalo,” mensahe ni Erich.

Dagdag pa niya, “But you know what? Ang pinakamagandang regalo talaga is good health para sa ating lahat, para sa ating mga mahal sa buhay.

“Again, let’s just continue to pray na malagpasan natin lahat ng ito at matapos lahat ng ito at bumalik na sa normal lahat,” dagdag pang mensahe ni Erich Gonzales sa madlang pipol.

Read more...