Nais ni Senate President Vicente Sotto III na kada taon ay maisapubliko ang lagay ng kalusugan ng lahat ng mga nagsisilbi sa gobyerno para matiyak na kaya nilang gampanan ng maayos ang kanilang mga tungkulin.
Sa inihain niyang Senate Bill No. 1818 o ang ‘Fit-to-Work Act,’ obligado ang lahat ng mga opisyal, itinalaga man o halal, na magsumite kada taon ng medical certificate para malaman ng publiko ang lagay ng kanilang kalusugan.
Iginiit ni Sotto na kasing halaga ng dunong at kahusayan ang pagkakaroon ng mayos na kalusugan para makapagsilbi ng maayos sa bayan at mamamayan.
Pinansin ng mga senador na may mga pagbibigay serbisyo-publiko ang naaantala dahil sa may kondisyon medikal ang opisyal at ito aniya ang nais niyang mahinto sa pamamagitan ng kanyang panukala.
Ikukunsidera ayon kay Sotto na administrative offense ang hindi pagsusumite ng medical certificate at ang mga lalabag ay maaring patawan ng disciplinary sanction.