Kyle Echarri sa mga negatron: Good luck na lang po sa future n’yo

SINAGOT na ng Kapamilya young actor-singer na si Kyle Echarri ang kumakalat na chika na isang siyang “chickboy.”

Marami kasi ang nagsasabi na dahil sa kagwapuhan at pagiging sikat ng binatilyo ay maraming girls ang naghahabol at nagpaparamdam sa kanya.

Pero ayon kay Kyle, hindi siya yung tipo ng lalaki na mananamantala ng mga babaeng nagpaparamdam sa kanya.

Aniya, seryoso siya pagdating sa pakikipagrelasyon at maling-mali ang perception ng ibang tao na isa siyang certified “chickboy.”

“Hindi po talaga ako chickboy. I think that is one thing that I really need to address. ‘Yun po talaga. Hindi po ako chickboy.

“I know a lot of people have made assumptions on me. A lot of people don’t like me because of a certain thing. Pero I don’t like spreading negativity,” ang pahayag ni Kyle sa isang panayam kamakailan.

Hirit pa niya sa mga haters na walang ginawa kundi magkalat ng fake news about him, “Good luck na lang po sa lahat nang namba-bash sa akin, good luck sa future n’yo.

“I know that that’s all just coming from whatever you guys want to do, pero ako I know who I am as a person and masaya po ako roon,” aniya pa.

Depensa pa ng binata, baka nami-misinterpret lang ng iba ang pagiging friendly niya sa mga kababaihan at bukod dito, marami rin siyang kaibigang girls.

Sa nasabing interview, inamin ng young actor na nagkaroon na rin siya ng past relationship at kung ang tungkol naman sa kanila ng ka-loveteam na si Francine Diaz ang tatanungin, talagang friend lang daw sila.

“Sa ngayon po, hindi po. As of the moment I am not in a relationship. Me and Francine are still just friends,” aniya.

Read more...