Mariel sumabak sa ’24-hour green challenge’, lumafang ng sili, ampalaya

 

SUMABAK ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez sa isa na namang nakaaaliw na challenge sa pamamagitan ng kanyang vlog.

Hinamon ng TV host ang sarili na kumain lang ng puro “green-colored food” sa loob ng 24 oras.

Sa latest video na ipinost ni Mariel sa kanyang YouTube channel mapapanood kung paano siya naghanda para sa tinawag niyang “24-hour green challenge.”

“The challenge is to only eat green things for 24 hours. So ’24-hour green challenge’ is what we’re gonna call it.

“I have no problem eating veggies. Pero of course, it’s different na talagang naka-schedule na everything that I’m going to eat is just green,” pahayag ng celebrity mom sa unang bahagi ng video.

Suot ang kanyang OOTD (green blouse with matching green headband) sinimulan ni Mariel ang challenge sa kanyang breakfast.

“I made special green pandesal. Ginawa ko talaga ‘to kagabi. Sabi ko paano kaya magiging interesting ‘yung green challenge?

“So ito, pandan ‘yang pandesal. We also made pandan pancakes para green lahat,” aniya.

Ipinakita rin ni Mariel ang iniinom na tea tuwing umaga na aniya’y safe naman sa mga tulad niyang padede mom.

Pagsapit naman ng lunch time, naghanda naman si Mariel ng iba’t ibang putahe ng gulay.

“Kapag green kasi talaga ang una nating iniisip, mga gulay. Today, mayroon tayong steamed okra. Mayroon din tayong talong.

“May confession ako, hindi ako kumakain ng ampalaya pero for the first time today, I will try,” sabi ng celebrity vlogger.

Tinikman muna niya ang ampalaya,  “Sasabihin ko sana na hindi naman pala masama ‘yung lasa. Pero habang tumatagal, doon pala pumapasok.

“Ang pait! Ang pait ng ampalaya! Alam ko na maraming health benefits ito. Pero bakit ‘yung face ko iba doon sa sinasabi ko,” nangingiwing chika ng TV host.

For her dessert, lumafang naman siya ng cheesecake with green tea matcha.

Sa huling bahagi naman ng kanyang challenge, naghain si Mariel ng pesto pasta, kale at avocado shake para sa dinner. Makikita rin sa kanyang plato ang ilang piraso ng sitaw at siling haba o green sili.

Hirit ni Mariel sa nakahaing siling berde, “Kaya ko kayang kagatin ito ng raw? Try natin. Raw ha? Raw! hilaw.

“Kapag nahahanginan parang umaanghang ulit. Pero challenge ko ‘to sa sarili ko,” aniya habang inuubos ang sili.

Para mawala ang epekto sa dila niya ng sobrang anghang, nilantakan ni Mariel ang kale at avocado shake na inihanda niya pati na ang ice cream bar sa mesa.

Read more...